ShareThis

Saturday, August 8, 2009

UTI and Hemorrhoid: SANHI, SINTOMAS AT LUNAS NG UTI AT ALMORANAS



1. Ano ba ang mga symptoms ng UTI at ano ang mga gamot na para rito? – 639198118***

Urinary Tract Infection o UTI ang tinatawag kung may infection sa daluyan ng ihi at ang karaniwang sanhi nito ay organismong E. Coli.

Anatomically ay maikli ang urethra o daluyan ng ihi ng babae kaysa mga lalaki kaya mas madalas na Makita ang UTI sa kababaihan.


Ang isang may UTI ay nakararanas ng mahirap at masakit na pag-ihi, paputol-putol at papatak-patak na pag-ihi, minsan ay may lagnat, pananakit ng puson at chills. Kung may mga sintomas na nabanggit, maipapayo ang ipa-examine ang ihi at kung positibo, antibiotiko ang lunas para rito.



2. Madalas po akong magkaroon ng almoranas, mga once a month. Iniinuman ko po ng varimoid tablet at nawawala naman, paano ba para hindi na ito bumalik? – 639186712***

Sa almoranas, ang apektadong ugat ay nasa palibot ng butas ng puwit at kapag tumaas ang presyon sa loob ng ugat sanhi ng labis na pag-ire, puwedeng sumabog ang mga ugat na ito kaya nakikita nating nagdurugo ang puwit. At kung inyong mapapansin, kapag constipated at mahirap dumumi, may sumasamang dugo sa dumi dahil sa labis na pag-ire.


Madalas na dahilan ng pagkakaroon ng almoranas ay kapag constipated tayo at hirap sa pagdumi, kaya kapag nangyari ito, makatutulong ang laxative tablet o anal suppository at ang pag-upo sa isang palangganang may maligamgam na tubig.

Para makaiwas sa constipation, kailangan uminom ng 8 basong tubig o fruit juice sa loob ng isang araw, kumain ng mas maraming gulay at prutas.

 - - Sabi ni Doc (Bulgar) ni Shane M. Ludivice, MD


Basahin din ang mga natural na lunas sa UTI


Maaaring Subukan Ang Herbal Na Lunas Sa U.T.I at Almoranas


Alam ninyo bang ang Goji Berry na mas kilala bilang wonder berry dahil sa maraming benepisyong hatid nito sa ating kalusugan ay isang mabisang pangontra o lunas sa mga sakit tulad ng U.T.I at Almoranas. Mayaman ang Goji Berry sa beta carotene at vitamin C. Mayroon din itong germanium, apat na polysaccharides, labing siyam na amino acid, dalawampu't isang trace minerals kasama na ang zinc, copper, selenium at phosporus. Mayaman din ito sa protina at zeaxanthin, pati B-complex at fatty acids. Mayroon din itong Vitamin E, atbp pang bitaminang sapat na upang masabing ang Goji Berry ay isang mabisang anti-inflammatory at pangontra o lunas sa mga malulubhang karamdaman. Huwag mong hayaang lumala pa ang iyong U.T.I at Almoranas. Subukan mo ang Goji Berry. 
Bookmark and Share
 

12 comments:

Post a Comment

Google+ Followers