ShareThis

Wednesday, January 25, 2017

Love Tips| Bakit Ka Na Seenzoned Ng Jowa Mo? Bakit Nga Kaya?


#seenzoned ba ng jowa? Bakit kaya? Sawa factor na ba? Paano mo naman nasabi? Porke ba hindi na masyado nag re reply sa mga messages, nabawasan na rin ang pagmamahal niya sa iyo, ganun? Baka OA ka lang. Alright, himay-himayin natin ang sitwasyon at alamin natin kung bakit na " seenzoned" ka ni bae. Haha.

Anyway, kung mas feel mong panoorin ang tips ko tungkol dito, you can watch it here on my youtube channel. At syempre mag-subscribe ka a, utang na loob. Hahaha... 



So eto na, atat ba? Alright ... eto yung mga posibleng rason kung bakit nagkaka ganyan kayo ng jowa mo. Isantabi muna natin ang hinala mong sawa factor at sa positive muna tayo mag-focus:

1. He gives you freedom, malaya ka, ayaw mo nun. Di mahigpit ang jowa mo. Di ka sakal. Yung iba nga dyan, di makalabas ng bahay kung wala ang jowa, eh di matuwa ka kasi may freedom ka. Yung iba nga dyan, bawal pagsuotin ng mga revealing clothes kasi masyadong seloso si bae. Kulang na lang pagsuotin ng gown sa pool. Jus me, haha ... ganun lang yun, he gives you your freedom to communicate with your friends na hindi ka na kailangan magpaalam pa sa kanya. Baka naman kaya di na nag re reply kasi ang text mo lang " bae, punta ako C.R a ... please text back " Ano ka ba? Haha.

2. Ok, matalino din tong si Mark Zuckerberg no, siguro seloso kaya pinauso ang "seen" sa pm. So feeling mo bilyonarya ka para mag selos agad ng ganun. Eh ano kung seenzone, di ba pedeng nawalan ng wifi, di ba pedeng nanakawan sa Recto, Haha ... di ba pedeng nagpakulot lang si bae. Hahaha... Tigilan mo yan te, wag kang masyadong paranoid. Pero yes sige, agree ako, kung di na talaga nag re re ply si Bae, mag-alala ka na, baka may nangyari na sa kanyang di maganda. So all you need to do is to use your unli call ano, Pede naman sigurong tumawag te. 

3. Siguro ang panghuling bagay na pwede mo na lang isipin ay ang big trust niya sa iyo. Hindi na niya kailangan ganun na mag-alala sa iyo, di na siya siguro kailangan pang i-check ka from time to time para lang mag hello sa iyo o para mag I love you sa iyo more than 3 times a day. Nakakaumay ang ganun no. Ano ka ba? Parang pag kumain ka ng matamis, kapag nasobrahan, nakakasawa. But don't get me wrong, di siya nagsasawa sa iyo, nagsasawa lang siya sa ginagawa ninyo. Which is true naman, kailangan mong mag grow, especially kung lagpas na sa one year kayong magkakilala. 

Trust is essential in building a good relationship with somebody special to you. Oh di ba English pa yan para ma-emphasize. Haha. Wala lang, feel ko lang mag paka conyo, you know. Haha ... 

No, but seriously, ang relasyon ay binubuo ng dalawang bagay, pag-ibig at pagtitiwala. Ibigay mo sa kanya ang 100 % trust mo at ibabalik niya yan sa iyo ng sobra-sobra pa sa labis. O di ba, ang haba ng scarf ni de lima. Haha ... 

O ano, cool ka na? Always remember one thing, maging positibo ang pagtingin mo sa lahat ng bagay,gagaan ang mga pangyayari sa buhay mo. Sa sarili mo, sa kanya, sa relasyon ninyo. Hwag magpaka-nega, wawasakin lang niyan ang magandang pinagsamahan ninyo Ok, Sige ka, madaming ahas sa paligid, baka matuklaw siya, mawalan ka. Nanakot? Haha.

Alright. O siya, Malapit na ang Valentine's Day. May regalo na ba siya? Wala pa ... o nega ka na naman ... i-su-surprise ka niyan, don't worry. Apir!

-----
Like me on my facebook channel
Follow my blog and comment below 
and subscribe to my youtube channel. 

0 comments:

Post a Comment