ShareThis

Wednesday, January 25, 2017

Madali Bang Mag-renew ng Business Permit Sa Imus City?

Oh my gulay, sa wakas humabol pa ako sa pag-renew ng business permit  ( medyo na late lang ako ng post sa blog ko). No extension na kasi sa munisipyo ng Imus City ( taray city na, haha ) ang pag-re-renew ng business permit. January 20, sakto alas-dose. Tapos na ang renewal. Bye na sa iyo. Penalty ang katapat mo. Ganun yun.

Anyway, i-share ko lang sa inyo ang naging experience ko sa pag-renew ng business permit. I-po-post ko sana ang video ko but unfortunately hindi malinaw ang pagkuha ko, kainis nga eh. So basa-basa na lang muna kayo okay. Alright. 

Naging mabilis naman ang proseso. Actually wala pang 5 minutes na-assess na agad ang permit ko. May mga ( siguro mga tatlo o lima ) ang nakatalagang clerk para asikasuhin ka. So mabilis, nalaman ko agad na kailangan kong mag butas ng alkansya para bayaran ang renewal. Ang mahal ... haha ..

So payo ko sa inyo, every month maglaan na kayo ng pondo para sa permit, para pagdating ng renewal, di ka na magagahol sa pera. Wag ninyo akong tularan. Haha ... 

Going back, kung naging mabilis ang pila sa assesment ganun din sa pagbayad ng fire inspection fee pero hindi sa huling step: ang pagbabayad. 

Siguro dahil near the deadline na ako kaya kailangan kong pumila talaga at maghintay ng dalawang oras at kalahati para makabayad at makauwi na ako. Alas-sais na kasi ako ng gabi nakarating at natapos ako ng mag-a-alas-nuwebe. O di ba, lobat pa fone ko nun, so ano na lang ako ... kinutuhan ko na lang yung katabi ko, haha .. joke lang. 

So ayun nga, mahaba ang pila pero super assist naman ang mga friendly clerk dun. May libre pa silang taho. O di ba, taho sa malamig na gabi Haha ... at nung medyo lumalalim na ang gabi, pinag-kape pa kami ... lamay lang? haha.

Mayroon lang akong isang question mark sa isip ko, pero di ko alam kung may K ba akong magtanong. Ano lang naman ako, isang hamak na negosyante lang ng maliit na printing shop. Pero sige, dahil blog ko to ako ang masusunod. Haha. Alright, ayun nga, bakit required o mandatory na kumuha kami ng insurance dun, eh dati wala naman yun. Sabi nung babae and I quote "yes sir, mandatory na po ngayon na may insurance ang business nyo, pag wala po, di ninyo po makukuha ang business plate". Bakit? Tanong ko. Pero kahit magtanong pa ako ng sangkatutak, isa pa rin ang kauuwian ko, ang ibayad sa kanila ang sana'y pambili ko ng donuts. Jus me, 450 pesos para lang ma-insured ang mga customer. Eh pano ako, tanong ko at ang sagot, kailangan ko daw bumili ng premium para sa akin. Ganun. So pag nasunog ung customer okay lang, insured siya pero pag ako natusta ng heat press, waley? Ganun. Alright. Haha. Seriously, bakit? 

Hay, so wala na akong nagawa, on top of the business permit itself, binayaran ko na lang yung insurance para matapos na lang ano. Ikaw kaya pumila at magutom dun, papalag ka pa ba? Haha. 

But overall, siguro pwede kong bigyan ng 3.5 stars para sa magandang serbisyo, dun lang talaga sa insurance sumablay. Hindi ko alam ang legality nun pero itatawag ko na lang siguro sa 8888 para magtanong kaso baka naman after a week pagkatapos nun, masabitan na lang ako ng karatula. Haha. 

Peace out. 


---
Like me on fb: Tips ni Katoto and Watch Tips ni Katoto on Video Playlist in Mabin World Youtube Channel. 

0 comments:

Post a Comment