ShareThis

Tuesday, January 31, 2017

Tips Para Di Tinatamad Sa Trabaho

Marami kayang pwedeng gawin para di ka tamarin sa trabaho mo. Dapat lang no, ang dami dyang walang trabaho pero ikaw mukhang umay na umay na sa work mo everyday. Not good bes, mahirap mawalan ng trabaho, higit sa lahat mahirap maubusan ng pera. Totoo. Isipin mo na lang kapag nag-resign ka, marami kang responsibilad na mas magbibigay sa iyo ng mabigat na pasanin. Kaya hangga't kaya mo pa, stay where you are and enjoy what you do. Keri pa yan bes. Haha.

Watch me on my youtube channel for more tips on video. Subscribe here.


Nga naman, ano bang rason mo kung bakit tinatamad ka mag trabaho? Ito lang ang ilan sa mga naisip kong posibleng dahilan, pero sana wag naman yung una.

1. Tinatamad ka lang ng walang rason. 
2. May sawa ka na kasi feeling mo, you are doing the same thing every single day. Wala ng challenge.
3. Di ka ma-promote o walang career growth.
4. Yung sahod mo na dati ay sapat lang sa iyo ay kinukulang na sa daily expenses mo.
5. Masungit ang boss. Sarap pitikin sa tenga. Haha.

Bes, yang mga rason na yan, as much as possible, burahin mo sa isip mo. Kung tinatamad ka lang ng walang rason, isa lang ang ibig sabihin nyan, kailangan mo lang ng maikling pahinga. Oo bes, maikling pahinga lang. Stress ka lang, pero hindi sapat na rason yan para mag-resign. Kung regular ka na sa work, ang dami mong vacation leave na pwedeng pwede mong gamitin. Magliwaliw ka, gamitin mo yan at i-enjoy ang araw mo. Magbibigay ng positive mood sa iyo ang magtravel sa kung saan-saan o kahit magpunta lang sa mga lugar na madalang o minsanan o hindi po pa nakikita o nararanas. Example, pwede kang magselfie-selfie kasama ng sawa sa zoo, haha ... why not. True.

Di ka ma-promote? Mas galingan mo pa. It's your time to prove your worth sa company. Doblehin mo pa ang effort mo at sipag mo. Hindi ako naniniwala sa dahilan ng palakasan o politika sa trabaho. Dahil sino ba namang boss ang hindi magkakagusto sa isang empleyadong deserving naman para sa promotion. This is the right time para mas ma-challenge ka sa sarili mo. Look forward to that, wag kang atat, wag kang mainip. Kung di ka man ma-promote, at least, you know for yourself na binigay mo ang 100 % mong galing para dun. Somebody from your company will notice that. I am sure. 100 % sure.

Salary increase ? Baka naman mas kailangan mo ng pagtitipid. Di ba? Minsan kasi feeling natin wala ng nangyayari sa sahod natin pero ang totoo masyado lang tayong maluho o magastos. Bili dito, bili dun. Tigil-tigilan mo ate at kuya ang pagiging one day millionaire ano, unless, apo ka ni Lucio tan, o anak ka ni Henry Sy. Haha. No, seriously, I mean alam naman natin na hindi naman agad agad ang salary increase. Jus me, ilan ba kayong sinasahuran sa company nyo? Yun na muna ang isipin mo ano. Tipid tipid muna hangga't kaya , mag-save at mag-invest. Malaki ang ibibigay sa iyong pagbabago ng tatlong bagay na yan, financially. 

Lastly mga friends, wala tayo sa perfect world. Yung boss mo na masungit, yung boss na araw araw may dalaw o may attitude na di mo feel, accept it. Hindi lahat ng tao gugustuhin ka, hindi rin lahat ng tao aayaw sa iyo. Tama. So kung masungit man siya hindi ibig sabihin ayaw niya sa iyo, kasi pwede rin namang ayaw niya sa ginagawa mo. Imbes na dedmahin mo siya at maging way pa siya para mas lalo kang tamarin sa trabaho, isama mo siya sa listahan mo ng mga challenges. Ang challenge mo ay bigyan siya ng excellent job performance. Hindi mo matatakasan ang mga taong may ugali, isipin mo na lang na hindi lang naman siya ang taong nakahahalubilo mo araw-araw na ganyan, marami pa, mas marami pa. Kaya hindi magandang iiwas ka na lang, iiwan mo na lang ang trabaho mo dahil lang dyan. Hindi mo kayang burahin sila sa landas mo, pero kaya mong pakisamahan sila dahil yun ang tama. 

Ang dami mong rason bes, minsan feeling ko, gumagawa ka lang ng rason para tamarin. Haha. Pero true, di ba ganun tayong mga people, gumagawa na lang ng dahilan para wag pumasok sa trabaho. Wag ganun bes, isipin mo kung mawawalan ka ng trabaho, sino na lang ang magpapakain sa jowa mo. Haha.

Seriously, motivate yourself. Your family is your big motivation. Your accountability in life is your challenge to do best at work. I-motivate mo ang sarili mo at kung di sapat na sarili mo lang, well umattend ka ng mga seminar, conference o gatherings na may mga motivational speakers. They can help. O kung wala kang time, try to watch some videos of success stories. Tignan ko lang kung di ka ganahan sa mga sasabihin nila at sa mga story nila kung paano sila naging matagumpay sa trabaho. 

Sabi nga ni Steve Jobs, "Your work is going to fill a large part of your life, and the only way to be truly satisfied is to do what you believe is great work. And the only way to do great work is to love what you do." 

Kaya mo yan bes, wag ka nang tamarin ha. Think positive. Be yourself. Enjoy life.

O siya, like mo na lang ang fanpage ko at mag-subscribe sa aking youtube channel para sa mas marami pang tips. See yah. 

0 comments:

Post a Comment