ShareThis

Tuesday, January 24, 2017

Tips Para Maging Masaya Kahit Single Ka Pa Rin


Alam mo hwag mong ikalungkot na single ka pa rin ngayon. Para ito sa mga single na nasa edad 30 above. O sige na nga, kahit sa mga nag-iinarte na mga teenager na bakit daw single pa rin sila. Haha.

Alright, so watch this video na lang para sa mga tips kung paano maging masaya ang mga single...pa rin.  Don't forget to like, comment and subscribe bes.


Kung di mo feel manood ng video, o siya eto ang ilan sa mga ways na nabanggit sa youtube channel ko.

1. Think positive. Wag maging nega sa mga bagay-bagay. Wag kang magpaka-depress at  mag senti senti sa hitsura mo, sa kung anong meron ka o kung anong wala ka. Maraming mga bagay na magaganda o blessings na dumadating sa buhay mo, so dun ka mag-focus.

2. Aliwin mo ang sarili mo. Kung may ka-ching-ching ka, eh di mag-travel ka. Travel around the world. Tutal mayaman ka naman e, Haha. Kaya mo yan bes, sama mo ako kung takot kang mag travel mag-isa. Haha. Asian tour? Haha.

3. Always think na maraming nagmamahal sa iyo. You have everything in the world, nandyan ang parents mo, friends, relatives, close friends, at kung sino-sino pa. Source of happiness na ang mga yan. At maging proud ka na you are part of a happy family.

4. Maghanap ka ng ibang pagkakaabalahan sa buhay. O mag-try kang mag-enhance ng mga skills mo. Umatted ng mga workshops, for example. May talent ka sa painting, eh di mag-enrol ka sa painting workshop. Doon, marami kang bagong makikilala. Marami dun, manalig ka. Haha.

5. Temporary happiness, marami yan. Wag mong ismolin yan, although temporary ang mga eto, paraaan pa rin yan para pasiglahin ka niya. For example: manood ng mga nakakatawang palabas sa sine o kung wala kang pang sine, sa TV, o kung may wifi ang kapitbahay, manood ng youtube. Haha ( pakabit din ng wifi pag me time ha. Haha)

So di ba ang dami. Kaya wag ka nang maging sad ha. Be happy, enjoy life. Be yourself and spread happiness. Single ka! Maging masaya ka! Because the only way for you to enjoy every single moment of your life is to make yourself happy.

Comment below.
Like me on Tips ni Katoto Fanpage
and subscribe to my youtube channel

0 comments:

Post a Comment