ShareThis

Wednesday, February 8, 2017

Love Tips | Paano Mag move on Bes


Move on, move on din friend, pag may time. Haha.

Seriously, naiintidihan kita, ano ka ba no? Napagdaanan ko rin yan. Share ko lang. Haha ... You can watch this video of me on my youtube channel kung di mo keri ang magbasa. Hehe.

Eto na nga, yeah. Mahirap talaga ang mag-move on. Pero sa umpisa lang yun. Tatagal yan depende kung kelan mo susubukang makalimot. Like me, for example. Nagka-jowa kaya ako ng halos one year and a half tapos pinagpalit lang ako, ( so gagawin ko siyang kontrabida sa blog ko. Haha ). Lahat kaya ibinigay ko, pati nga nanay ko, binigay ko eh. Haha. No seriously, I gave everything, lahat ng makakaya kong ibigay, sa lahat ng aspeto, pera, emosyon, puso, utak, lahat sa akin, lahat. And then, sa isang iglap, maglalaho lahat. Ang hirap bes, yung binigay mong lahat pero hindi nasuklian. Yung akala mo mahal ka, yun pala, ikaw lang ang nagmamahal. Yung tipong dehado ka na sa relasyon ninyo pero sige ka pa rin, gusto mo pa rin siya makasama, kahit ayaw niya na. O mas tamang sabihing, kahit ayaw ka naman talaga niya. Hang sakiiiitttt! P$$$%%%^ ( nagmura. Haha )

So ayun, iyak ang lolo mo. At halos tumagal ng isa o higit sa isang taon ang pagmu-move on ko. Tumatagal kasi nung una natatakot akong subukan o ayaw kong gawin o ayaw kong simulan kasi nga kinikulong ko pa ang sarili ko sa ilusyon na siya ang happy ending ko, na siya ang forever ko, na siya yung ipapakilala ko sa pamilya ko. Kaya bes, kung ayaw mong manatili siya dyan sa isip mo at pantasya mo, gawin mo na ngayon pa lang ang pag-mu-move on. Hwag mo kong gayahin, nagpakalunod sa lungkot. In short, nagpakatanga sa pag-ibig.

Kaya friend, if you want to move on, start now. As in now. Habang binabasa mo to at gawin mo ang mga sumusunod. Yung ayon sa pagkasunod-sunod. Haha ... joke lang. kahit ano dito sa mga to na ililista ko ang unahin mo, keri na yan. 100 % tatalab to! Pinadasal ko pa to sa kilala kong witch. Haha.

Friend, pinapatawa lang kita. Ano ka ba. So heto na, pili ka na lang.:

1. Block him sa fb, twitter, ig, at sa kung anu-ano pang social media kung saan parati mong nakikita ang daily activities niya. Stop it! Stop assuming na ikaw ang pinatutungkulan ng lahat ng post niya, Hindi ikaw, hindi na ikaw yun, so stop it! Block him now! Hindi ito dahil sa bitter ka sa kanya, this is your key to start moving on.

2. Delete all his messages, pictures, videos ng kung ano anong momol niyo sa celfone. Or better yet, change sim! or better yet, buy a new phone! Kung afford mo.

3. Please, wag kang makinig ng sad songs, this is too much for you, gusto mo bang mabaliw? Malungkot na nga buhay mo, magpapaka teleserye mode ka pa. Burahin mo lahat ng nasa playlist ng phone mo na nagpapaalala sa iyo ng lahat. As in ng lahat tungkol sa kanya. Kailangan mo siyang burahin. Burahin mo siya. Now na.

4. Magsimba ka! Ano ka ba, kelan ka ba huling kumain ng ostcha? Haha, sumbong kita kay father eh. True, ano ba, kumapit ka kay Lord, siya ang lakas mo. Sa kanya ka sumandal hindi diyan sa pader, anong feeling mo, ikaw si Kathryn Bernardo sa Barcelona ? Ganda mo a. Haha

5. Friend, look at the mirror? Kilala mo pa ba ang sarili mo. Look ... sige, wag ka muna magbasa, antayin kita matapos ............................................................................................................................................................................................................................................... o ano, anong nakita mo sa salamin? Ang pangit mo ngayon di ba? Nagpakalosyang ka kasi sa problema. Problemang pinabibigat mo lang. Kaya hala, sige, magpunta kay Belo  (yaman a) , at sa salon, magpaganda ka. Re-invent ang make yourself beautiful again, Magpa-rebond ka! O sa lalaki, magpakalbo ka! Haha. Basta, gawin mo ang lahat ng magagawa mo para magbago ang nakikita mo sa salamin. Be yourself, say hello to the new "you".

Hay, bes nakakapagod kang payuhan. Ang laki ng problema mo sa jowa mo, samantalang ang presidente ng Pilipinas, problema kung paano pakakainin lahat sa Pilipinas. See, your problem is not as big as you think it is. Ang jowa problem mo ay napakadaling solusyonan as long as na willing kang i-solve yan. Don't procrastinate, follow these steps and start moving on. Marami pang darating sa buhay mo, marami ka pang bagong makikilala, marami pang magmamahal sa iyo ... hangga't nabubuhay ka, hangga't naaamoy mo pa ang hininga mo paggising mo sa umaga, laging may pag-asa.

O siya, sana nakatulong ako. O teka, mag-subscribe ka na rin sa youtube channel ko para lagi kang updated sa mga tips ni katoto :)



0 comments:

Post a Comment