Skip to main content

Tips: Mabisang Pangontra Sa Breast At Prostate Cancer



Magic Beans? Nagagawang sumuko sa buhay ng ilan sa atin gawa ng sobrang hirap at negatibong pananaw na nag-iisa sila pagdating sa laban nila sa buhay. Isa sa nakawawalang pag-asa ay ang mga hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman ng mga pasyente  ng malulubhang karamdaman. Nariyang sadyain na nilang hindi kumain o uminom ng gamot na dapat ay regular nilang iniimon dahil sa pakiramdam nilang wala naman itong epekto para maisalba o dagdagan ang kanilang buhay.

Mayroon din na masyadong nakararamdam na nagiging pabigat o perhuwisyo sila sa kanilang pamilya kaya nais na nilang wakasan ang kanilang paghihirap. Dahil diyan, masasabi natin na iba-iba ang kapasidad at maging pananaw ng tao pagdating sa buhay marahil base na rin sa pananalig sa Diyos at pagpapahalaga sa buhay ng mga ito.

Natural naman kasi na ang lahat ay papunta rin sa kani-kanilang katapusan na higit na mahalaga lamang ay kung paano nila nagawa o gawing makabuluhan ang biyayang ito habang tayo ay nabubuhay.

Pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na ang soya ay puwede ng maging alternatibo sa malalakas o matapang na uri ng gamot para sa sakit na prostate and breast cancer. Malaki raw ang potensyal nito na magbigay ng benepisyo sa kalusugan ng mga pasyente ng dalawang uri ng cancer na pinagtibay din ng dalawang uri ng espesyal na pag-aaral.

for illustration only
Ang unang pag-aaral na isinagawa ng mga researcher sa Northwestern University, Chicago ay ang pill na genistein na natural na-isoflavone chemical sa soya na napatunayang nagpapabagal at kumokontrol sa mabilis na pagkalat ng prostate cancer.

Naisagawa itong i-test sa maliit na grupo na kinabibilangan ng mahigit 38 kalalakihan na siyang nag-resulta sa pagkadiskubre ng kauna-unahang non toxic treatment na siyang magpapaiwas sa paggalaw o pagkalat ng mga cancer cancer cell sa katawan ng tao.

Pinapalagay na una itong hakbang para sa paglimita o pagkakataong makaiwas sa pag-inom ng malalakas na gamot na may malaking epekto 'di lang sa kalusugan kundi maging sa ating pangangatawan. Nagawa ng soya na pigilin ang pagkalat ng prostate cancer sa katawan ng pasyente na may teoriya rin na similar na treatment o epekto ito sa mga apektadong cell ng breast cancer.

Ang kauna-unahang non-toxic na treatment ay tumatarget na pumigil o tuluyang gumamot sa iba't-ibang uri ng cell cancer. Sa ikalawang pag-aaral na isinagawa sa mahigit 1,300 kababaihan  ng mga researcher sa University at Buffalo, New York, lumalabas na ang isoflavones sa soya ay nakababawas ng panganib na dulot   ng unti-unting pagkakaroon ng breast cancer.

Lumalabas na ang mataas na pagkonsumo ng isoflavone ay may mahigit 30 porsyento ng mababang banta ng pagkakaroon ng breast tumor o bukol sa dibdib at 60 porsyento ng low grade na tumor.

Isinagawa ang evaluation sa pagiging epektibo ng mahigit 683 kababaihan na may breast cancer at 611 malusog  na katayuan ng mga babae. Ginawang dokumentaryo o compilation ang mga dietary study at findings na hindi na nila kailangan ng follow-up at confirmation sa magandang resulta nito. Sa kabila ng ilang patunay, tinatayang patuloy pa rin ang pagkakaroon ng masusing imbestigasyon sa mabilis at maiging reduction ng cancer cell sa katawan ng tao na madalas na kumokonsumo ng soya.

mula sa Bulgar Tabloid ni Icee Reen Tolentino

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...