Ang maging isang mommy ay isa sa pinaka-mahirap na tungkulin. Sila ang ilaw ng tahanan na mas nakakasama ng anak sa paggabay at pagkatuto sa buhay. Ang mga ina rin ang kadalasang naiiwan sa bahay upang mag-asikaso ng mga gawaing bahay at trabaho pa sa labas. Iba-iba rin ang pag-uugali ng mga ina at ang kanilang mga kinahihiligan. May mga mommy na sport-minded o aktibo sa komunidad. Mayroon din namang mommy na bossy at ang iba ay malumanay lamang na gumagawa ng tungkulin sa bahay. Bawat ina man ay may pagkakaiba at may kanya-kanyang gusto ay dumadating rin ang pagkakataon na pare-pareho din silang nakararamdam ng pagod at stress. Bilang anak ay tungkulin mo na sila ay pasiyahin. Ito ang ilan sa tips kung paano magiging happy ang mommy mo: Give them attention. Walang sinumang ina ang gusto pang maulit ang mga bagay na naghahatid sa kanya ng problema. Kapag may problema siya at gusting magsalita sa iyo ay making kang mabuti at bigyan siya ng pansin. Sikapin mon...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc