Skip to main content

Vacation: Paano Planuhin Ng Maganda?



Ang pagkakaroon ng sapat na pera para magbakasyon ay isa sa mga short-term at long-term na layunin ng pag-iipon. Kailangan nating lahat ng pahinga mula sa ating trabaho upang makasama ang ating pamilya.

for illustration only
Ang bakasyon ay puwedeng ituring na NEED pero maituturing na itong WANT kung masyado itong magastos. Tandaan na ang layunin ng bakasyon ay makapagpahinga at makasama ang iyong mga mahal sa buhay.

Kailangan sadyain ang pag-iipon para sa bakasyon. Huwag umasa sa "bahala na". Ang "bahala na" ay puwedeng magdulot ng:


  • Hindi ka makapagbakasyon dahil nagastos mo sa ibang bagay ang pera.
  • Hindi ka nagplano kaya hindi mo nasulit ang bakasyon. Sayang ang pera.
  • Nagastos mo lahat ang pera sa bakasyon kaya walang perang natira pagkatapos
Upang maging planado ang bakasyon, kailangang maghanda ka in advance.

  • Huwag na huwag gagamitin ang retirement money para sa iyong bakasyon. Alamin kung magkano ang puwede mong itabi kada buwan para regular na makaipon para sa bakasyon. Kailangan ihiwalay ang halagang ito mula sa halagang itinatabi para sa retirement.
  • Simulang gawin ang budget, baguhin ito tuwing kailangan. Isulat ang bawat item na kailangan mo. Karaniwang kasama rito ang travel, damit, pagkain, regalo at iba pa.
  • I-compute kung gaano katagal ang kailangan bago mo maipon ang halagang kailangan ayon sa ginawang budget. Sa ganitong paraan, malinaw sa iyo kung kailan ka talaga puwedeng magbakasyon.
  • Puwedeng masyadong matagal pa o hindi mo gusto ang petsa kung kailan magkakaroon ka ng sapat na vacation money. Balikan ang iyong mga komputasyon sa savings at budget. Tingnan kung alin ang puwedeng baguhin upang magkaroon ng sapat na pera para makapagbakasyon sa petsang gusto mo. Puwedeng bawasan ang iyong pang araw-araw na gastusin upang mas malaki ang maipon. Puwede ring bawasan mo ang iyong budget. 
Pero maging realistic dahil mabibigo ka lamang kung gagawa ka ng plano na hindi talaga puwedeng matupad.
mula sa EASY MONEY ni Francisco J. Colayco 


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...