Skip to main content

Mga Gamit Ng Labatiba o ENEMA


Ang labatiba o Enema ay maaaring mabili sa Bambang,Sta Cruz, kaliwa't kanan ang mga nagtitinda ng medical supply sa lugar na 'yun. Ang presyo ay depende sa klase ng bibilhin mong labatiba. Ang enema o labatiba ay isang aparato na ginagamit para panlinis ng bituka. Ang paglalabatiba ay isang procedure kung saan ay nagpapasok ng liquid o tubig at kung minsan ay may kasamang baking soda sa anus ( butas ng puwit) papuntang rectum (tumbong) at colon para malinisan ang bituka. 

Ano ang medical usage ng labatiba? 

  • Kadalasang ito ay isinasagawa kung sasailalim sa surgery ang pasyente. 
  • Ginagamit din para sa constipation (du'n sa hindi makadumi o hirap dumumi) at fecal impaction.
  • Sa pasyenteng buntis bago ito mag labor.
  • Rehydration therapy (proctolysis) sa mga pasyenteng hindi puwede ang intravenous therapy o paglagay ng suwero.
  • Cleanse the lower bowel bago isagawa ang sigmoidoscopy o colonoscopy.
  • Topical administration ng gamot sa rectum tulad ng corticosteroids at mesalazine para sa gamutan ng inflammatory bowel disease.
Ang pagsagawa ng enema rito ay para maiwasan ang pagdaan ng gamot sa buong gastrointestinal tract kaya madaling mai-deliver ang gamot sa affected area at malimit din ang amount na ma-absorbed sa blood stream.
  • General anesthetic agents kung magsasagawa ng surgery ay ina-administer sa pamamagitan ng enema, occasionally kasi ang anesthesia ay ipinapasok sa rectum para maiwasan ang pagsusuka sa panahon at pagkatapos ng surgical procedures para maiwasan ang aspiration ng stomach contents.
  • Barium enema ay ginagamit bilang contrast substance para sa radiological imaging ng bowel. Ang enema ay naglalaman ng barium sulfate powder o water-soluble contrast agent.
  • Rectal corticosteroid enemas ay isinasagawa para sa gamutan ng mild o moderate ulcerative cortis. Ginagamit din ito kasama ng systematic (oral or injection) corticosteroid o iba pang gamot para magamot ang isang grabeng sakit na kumalat na at maaari lamang gamutin sa pamamagitan ng pagpasok ng gamot sa rectum o tumbong.
  • Ito rin ay ginagamit prior to anal s&x para raw ma-enhance ang sensation ng intercourse o kaya ay maalis ang feces o dumi bago pa mag-sex para mabawasan ang paglipat ng bacteria o infection sa kapartner at sa paggamit ng sex toys. Ang pag-enema para sa anal s&x ang purpose ay hindi dapat isinasagawa ng madalas o regular dahil ang enema solution ay maaaring makasama sa anal cavity.

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...