Skip to main content

Mga Kaalaman Tungkol Sa Ulcer


Ito ang ilang kaalaman tungkol sa ulcer mula sa artikulo ni Shane M. Ludovice M.D sa kanyang kolum sa Bulgar na Sabi ni Doc:


Dati ay iniisip natin na ang ulcer ay dala raw ng sobrang stress, labis na pag-aalala at pagkain ng maanghang. Posibleng may kontribusyon ang mga ito sa pagkakaroon ng ulcer, ngunit napakaliit lamang. Ang ating sikmura ay nagpupundar ng acid at pepsin para magiling ang ating mga kinakain at dahil sa kakayahan nitong lumusaw ng pagkain, mayroon tayong lining na may mucus sa ating upper digestive tract para hindi nito matunaw ang ating sariling bituka. Kaya mahalaga ang tamang balanse ng acid at protective mucus para mapanatili nating malusog ang ating bituka. Sa sakit na ulcer ay walang tamang balanse ang acid at mucus. Kapag sobrang dami ng acis at kakaunto lamang ang mucus, mada-damage ng acis at pepsin ang sikmura at bituka at dito na magsisimula ang ulcer.

Narito ang ilang factors na sumisira sa tamang balanse ng acid at mucus kaya posibleng mauwi ito sa ulcer:

  1. Bakteryang Helicobacter pylori, kung nandoon sa sikmura/bituka, ito ang bakterya na siyang sanhi ng ulcer.
  2. Paggamit ng mga gamot tulad ng aspirin, ibuprofen at iba pang analgesic na klasipikadong NSAIDS, sinisira ng mga ito ang proteksyong mucus ng ating katawan.
  3. Paninigarilyo, may posibilidad na magka-ulcer ang isang taong naninigarilyo dahil hindi lamang itinataas nito ang pagpupundar ng acid kundi sinisira rin nito ang produksyon natin ng mucus.
  4. Pag-inom ng alkohol (alak), kape o mga softdrink.
source: Sabi ni Doc/Bulgar

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...