Skip to main content

Mabuting Dulot Ng Honey Lemon Juice


Isang masarap at masustansyang inumin ang kombinasyon ng honey at lemon juice.  Lalo’t makakapagbigay ito ng mabuting dulot sa iyong kalusugan kung magiging regular ang pag-inom mo nito. Ito ang ilan sa mga mabubuting dulot ng Honey Lemon Juice:



Pampapayat

Maaari kang magdagdag ng ilang patak ng honey sa isang baso ng maligamgam na lemonada. Bukod sa magandang pampapayat, ang inuming din na ito ay mayaman sa citric acid and antioxidant. Pwede mo itong inumin bago o pagkatapos mong kumain.

Lunas sa indigestion 

Ang kombinasyon ng maligamgam na tubig, lemon juice at honey ay nakakapaglinis ng toxins sa katawan at mabisa ring pampaganda ng kutis.

Malaking tulong para makaiwas sa Kidney Stone 

Ang pagpipigil ng ihi, ang madalang na pag-inom ng tubig at labis na calcium sa katawan ay ilan sa mga dahilan ng kidney stone. Kung nais mong makaiwas sa ganitong uri ng karamdaman ay mabisa ang kombinasyon ng lemon juice at honey. Nakatutulong ito para alisin ang mga labis na calcium sa loob ng katawan at sa dugo.

Lunas sa sore throat

Nakararanas ng pangangati ng lalamunan ang isang taong may sore throat. Para maibsan ito ay maghalo ng isang patak ng honey sa isang baso ng maligamgam na lemon juice. Ang honey ay may anti-bacterial property na nakakapuksa ng bakterya at germs na nakakapagdulot ng sakit sa lalamunan. Nakatutulong din ang maligamgam na tubig sa paglilinis ng lalalamunan pati na sa pagbukas ng ,mucus gland.

Makakaiwas sa colon cancer

Ang honey ay may antioxidant na sumusugpo sa pagbuo ng mga tumor. Ang masustansyang inumin na ito ay tulong din upang makaiwas sa banta ng colon cancer.
Iyan ang ilan sa mga mabuting dulot ng tubig, honey at ng lemon. Bukod sa masarap na, epektibo’t kaya pa ng bulsa.

Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...