Skip to main content

Tips At Kaalaman Tungkol Sa MUSCLE STRAIN



Ang kadalasang sanhi ng pananakit ng likod ay sakit ng kalamnan o MUSCLE STRAIN kung tawagin. Ang pakiramdam ay parang may pilay ito ay dahil sa maling posisyon ng pagtulog, maling pagbuhat ng malalaking bagay, maling posisyon sa pag-upo na parang nakakuba, nagkaka-edad na o arthritis o kaya ay sobra sa timbang ang isang tao.

Halos lahat ng tao ay nakararanas ng sakit ng likod at kahit balakang subalit, ito ay mas nararamdaman pagtuntong ng edad 40 pataas. Mas maaga itong nararamdaman ng mga taong may scoliosis o problema sa likod, obese o sobra sa timbang at sa mga hindi nag-eehersisyo.

Makatutulong ang mga sumusunod na tips:


  1. Iwasan ang magbuhat ng mabibigat o kaya naman ay huwag yuyuko kapag magbubuhat ng isang bagay. Mag-squat o panatilihing ideretso ang likod sa paghubat ng mabigat na bagay.
  2. Makatutulong ang pag-ehersisyo, kung masakit ang likod, hintaying mawala ito bago magsimulang mag-ehersisyo.
  3. Kung sobra naman sa timbang ay kailangang magpapayat. 
  4. Umupo ng deretso at hindi nakakurba. Huwag uupo ng matagal dahil nakapapagod lalo na kung nakapirme lang sa isang puwesto at ganun din sa pagtayo. 
  5. Hindi dapat mahiga sa sobrang lambot na kutson kung saan ay nakalundo na ang inyong likod, huwag din sa papag dahil sobrang tigas nito. 
Kung masakit ang likod, huwag itong hilutin o padaganan baka lalo lamang magkapilay, maaaring lagyan ng warm compress sa likod at uminom ng pain reliever.
 mula sa SABI NI DOC SHANE LUDOVICE, BULGAR

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...