Ang maging isang mommy ay isa sa pinaka-mahirap na tungkulin. Sila ang ilaw ng tahanan na mas nakakasama ng anak sa paggabay at pagkatuto sa buhay. Ang mga ina rin ang kadalasang naiiwan sa bahay upang mag-asikaso ng mga gawaing bahay at trabaho pa sa labas.
Iba-iba rin ang pag-uugali ng mga ina at ang kanilang mga
kinahihiligan. May mga mommy na sport-minded o aktibo sa komunidad. Mayroon din
namang mommy na bossy at ang iba ay malumanay lamang na gumagawa ng tungkulin
sa bahay.
Bawat ina man ay may pagkakaiba at may kanya-kanyang gusto
ay dumadating rin ang pagkakataon na pare-pareho din silang nakararamdam ng
pagod at stress. Bilang anak ay tungkulin mo na sila ay pasiyahin.
Ito ang ilan
sa tips kung paano magiging happy ang mommy mo:
Give them attention. Walang sinumang ina ang gusto pang
maulit ang mga bagay na naghahatid sa kanya ng problema. Kapag may problema
siya at gusting magsalita sa iyo ay making kang mabuti at bigyan siya ng
pansin. Sikapin mong mapakingan siya hanggang sa mailabas niya ang lahat at
maging masaya siyang muli.
Help them in the household chores. Tulungan siya sa mga
gawaing bahay nang hindi ka inutusan o pinaalalahanan. Ayusin at iligpit ang
higaan pagkagising, linisin ang mga kalat, tulungan siyang magluto, linisin ang
banyo, hugasan ang maruruming plato etc.
Huwag nang hintayin na utusan ka pa. Anuman ang ginagawa, ikaw na ang magkusa
sa lahat ng bagay.
Give her a special gift. Bilhan siya ng mga bagay na
makapagpapasaya sa kanya kahit iyung mura lang. Tulad halimbawa, kung siya ay
mahilig magluto ay regaluhan siya ng gamit na magagamit niya para rito. Maglaan
ng kaunting halaga para sa ganitong bagay para mapasaya siya. Kung minsan ang
iyong pagsisikap na magawa iyan ang siyang mahalaga sa kanya.
Give her a day-off. Bigyan siya ng pahinga kahit isang araw
sa isang lingo ay puwede na, huwag nang hintayin pa ang Mother’s Day o birthday
niya. Pumili ng araw na ikaw na ang siyang gagawa tulad ng paglalaba,
pamamalantsa, pagluluto, at pagsundo ng mga kapatid sa eskuwela.
Be a good son and daughter. Dapat lagi mong pinatatawa si
nanay. Pigilan ang sariling makipagtalo sa kanya. Ang isang araw na walang argument
o pagtatalo ang siya nang pinakamasayang araw para sa isang pagod na ina.
Treat your mom. Ilibre mo si mommy sa gusto niyang restoran,
isama siya sa isang shopping at itanong sa kanya ang gusto niyang bilhing damit
at sapatos.
Talk to her. Makipagkwentuhan kay mommy. Ang nanay pa naman
ay makwento at matsika, kaya anuman ang gusto niyang mga ilabas na tsika ay
hayaan siyang magkwento at sabay ninyong tawanan anuman ang kanyang mga
karanasan sa araw-araw.
Ikaw? Nais mo bang maging happy si mommy? Gawin mo na ang
mga ito para sa kanya.
Source: Bulgar credits to: Icee Reen Labareno
Comments
Post a Comment