Skip to main content

Health Prevention: 3 PARAAN PARA MAKAIWAS SA CANCER




IBINUNYAG ng mga siyentipiko mula sa kanilang pananaliksik na maaaring mapalayo sa banta ng breast cancer ang bawat indibidwal ng hanggang 79% mula sa paglagok ng limang baso ng tubig mula sa gripo sa bawat araw. Lumabas din sa naturang pag-aaral na possible ring mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng colon cancer ng hanggang 45%.


Ilan pa sa mabuting hakbang upang makaiwas sa iba pang uri ng cancer ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Kumain ng prutas at gulay. Ayon sa pananaliksik, ang regular na pagkonsumo ng matitingkad na kulay ng prutas at gulay ay makadaragdag ng 25,000 ng cancer-fighting antioxidants sa sariling diet.



2. Huminto sa paninigarilyo. Hindi tamang balewalain ang payo ng mga doctor na mag-quit na sa paninigarilyo. Ang ganitong bagay ay makakapagpalayo sa isang tao sa banta ng panganib ng cancer sa bibig, lalamunan at baga.

Gayundin, tinatayang maiiwasanang lung cancer mula sa pagkain ng mansanas sa bawat araw. Ang mansanas ay nagtataglay ng makapangyarihang kombinasyon ng cancer-fighting chemicals kabilang na ang tinatawag na quercetin at rutin. Maliban sa lung cancer, ang nutrisyong ito ay epektibo rin laban sa colon, liver at prostate cancer.

3. Magbawas ng timbang. Idiniin sa pag-aaral na ang daang libong bilang ng nakatatanda na mabigat ang timbang ng kanilang katawan ay higit na malapit sa banta ng cancer.

Ang pakonsumo ng lettuce, na espesikong nakapagbibigay ng vitamin K sa katawan ay may kakayahang pumatay sa cancer cells sa anumang uri nito bago pa man ito ma-develop sa full-blown tumors.

Dahil sa ang vitamin K ay isang fat-soluble, mainam na siguraduhin ang pagdaragdag ng salad dressing sa lettuce bago pa man ito konsumuhin.

- No Problem (Bulgar) ni Ms. Myra


Basahin din: Mga Paraan Para Makaiwas sa Prostate Cancer


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...