Skip to main content

Body Acne Remedy: Tips Para Mawala Ang Taghiyawat sa Katawan



Tulad ng pagkakaroon ng taghiyawat sa mukha ay isa ring mabigat na problema ng ilan ang pagkakaroon ng taghiyawat sa katawan partikular sa bahaging dibdib,leeg,braso at likod (Body Acne). Dahil sa baradong pores, ang mga bakterya ay dumadami na nagiging sanhi ng taghiyawat o acne. 

from google image for illustration only
Sa dami ng mga lumalabas na produkto sa merkado, kung minsan hindi mo na alam kung ano ba ang totoong makakatulong sa'yo at kung ano ba ang hiyang sa'yo. Kung kaya naman ay maaari mong subukan ang ilan sa mga simpleng tips na makatutulong sa iyo upang mawala ang iyong body acne o taghiyawat sa katawan.

Body Acne Remedies


  • Importanteng ipagpahinga mo ang iyong katawan na malinis. Kung may mga taghiyawat sa iyung likod ay  gumamit ng malambot na bimpo at marahang ipunas sa bahaging apektado. Importanteng huwag madiin ang pagkakapunas mo para maiwasan ang pagputok ng mga taghiyawat. Gumamit ng mild soap. 
  • Malaki rin ang benepisyo ng paggamit ng oatmeal at mainit na tubig. Isang beses sa isang linggo ay pwede mo itong gawing oatmeal mask para sa iyong balat.
  • Maganda rin ang pipino, pwede ka ring gumawa ng cucumber mask. Ipahid sa apektadong bahagi at laanan ng 20 minutos bago hugasan ng maligamgam na tubig.
  • Ugaliing uminom ng maraming tubig. Walong beses sa bawat araw. 
  • Mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng balance diet. Ugaliing kumain ng prutas at gulay.
  • At ang huli ay regular na uminom ng vit. A,E and C na nagbibigay ng proteksyon sa balat.

Ano Ba Ang Sanhi (Cause) Ng Body Acne?

  • Madalas na pagpapawis
  • Mga pagbabago sa katawan (hormonal changes) tulad ng pagbubuntis, madalas ang mga buntis ay prone sa taghiyawat.
  • May mga balat na sensitibo sa mga ginagamit na produkto tulad ng sabon, facial wash at facial scrub. 
Body Acne Scars

May mga taghiyawat na nag-iiwan ng marka o scars. Ito ang ilan sa mga solusyon para mawala ang mga ito:

  • Maigi ang lemon o kalamansi, ipahid sa bahaging apektado. Gawin ito bago ka magsabon ng balat. 
  • Ang olive oil ay nakatutulong para mapanatiling makinis ang iyong balat.
Like mo ang tips katoto para malaman din ng iyung mga kaibigan ang tungkol dito. Like us on Facebook


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...