Skip to main content

Free Psychic Tips: Para Makadama Ng Paranormal Activity



Ang Psychic o medium ay mga taong sinasabing kayang makadama ng mga paranormal activity tulad ng multo at mga nakikita niyang mga mangyayari in the future o sa nakaraan. Ang ilang tao ay isinilang na may ganito nang pakiramdam o gifted na talaga, bagamat ang mga professional na clairvoyant ay nagsabi na namamana umano ang naturang abilidad tulad din ng husay sa paglalaro ng basketball. 

Naniniwala ang maraming pro psychic na kung papraktisin ang ilang ehersisyo ay may tsansa ang indibidwal na ma-develop ang psychic abilities

from google image for illustration only
Free tips on how to develop your psychic abilities:

  1. Mag-meditate mag-isa sa isang tahimik na silid. Isara ang iniisip at damdamin sa anumang bagay sa halip ay mag-focus nang todo sa sarili sa mga oras na iyon. 
  2. Dumampot ng mga maliliit na bagay mula sa bahay. Pag-aralan nang malapitan ang bagay. Ang matitigan ng husto ang kanyang kabuuang hugis at damdamin maging ang kanyang mga kapintasan ay mahalaga. Ipikit ang mga mata at ilarawan ang bagay. Sikaping matandaan ang bawat detalye hinggil dito. Buksan ang mga mata at muling tingnan ang naturang bagay, ang masubukan na matandaan ang detalye na hindi maimadyin ay gawin at saka muling ipikit ang mga mata. Ulitin hanggang sa ang dalawa ay magtugma ng eksakto, maperpekto ang iyong inner vision.
  3. Piliin ang isa sa pitong basikong kulay ng bahaghari; red,orange,yellow,green,blue,indigo at violet. Ipikit ang mga mata at ilarawan ang kulay ng iyong isipan.Ilarawan ang bagay at iba pang may kaugnayan sa naturang kulay. Magpokus sa isang partikular na kulay at saka magpokus sa iba pang kulay ng bahaghari. Ulitin ang lahat  ng basikong kulay.
  4. Ilarawan ang ibang tao,bata o kaibigan sa isipan. Isara ang mga mata at sikaping tandaan ang bawat detalye hinggil sa kanilang hitsura. Ilarawan ang kaanak sa isipan na hindi mo nakikita nang palagi pero close na rin naman sa iyo. Tanungin ang sarili kung kumusta na kaya sila at kung ano ang kanilang nararamdaman ngayon. Hayaang magkaroon ka ng sarili mong kasagutan sa iyong sariling tanong. Ang hindi pagpansin sa anumang lohikal na paliwanag kung nasaan sila sa isang partikular na oras sa naturang araw. Hayaang ang sagot ay simpleng galing sa iyo, maging mula sa kulay man,hugis,simbolo o damdamin.
  5. Ulitin ang Steps 1 hanggang 5, araw-araw. Magsisimula nang matanggap ang mga bagay na magkakaiba at mas akma. Magtanong ng iba-ibang tanong kapag uulitin ang step 5; kapag maraming personal na mga tanungan, higit na maraming enerhiya na ating matatanggap. - source: bulgar article by Nympha Miano Ong


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...