Skip to main content

UTI Natural Remedies: Epektibo At Natural Na Lunas



Nabasa mo ang tungkol sa sakit na U.T.I ( Urinary Tract Infection). Ngayon naman ito ang mga ilan sa natural na lunas at maaari mong subukan para sa sakit na ito:


  1. Ang tulong ng baking soda. Paghaluin ang 1/2 tsp na baking soda sa 8 ounce na basong tubig. Ang pag-inom nito ay nakakatulong para sa mga unang sintomas ng uti. Ang presensya ng baking soda sa katawan ay nakakadagdag sa acid-based balance ng acidic urine. 
  2. Uminom ng maraming tubig. Maigi ang pag-inom ng maraming tubig sapagkat nililinis nito ang ating katawan sa pamamagitan ng pag-dilute at pag-flushout ng mga hindi kanais-nais na substansya sa loob nito. 
  3. Pag-inom ng cranberry juice. Mahusay ito sa panlaban ng impeksyon, pinipigilan nito ang pagkapit ng mga bakterya sa cell na malapit sa daluyan ng ihi. Mas maigi ang fresh cranberry juice para sa bladder infection kaysa sa bottled cranberry juice. Pero kung walang makitang mabiling sariwang prutas na cranberry ay piliin ang mga bottled cranberry juice na mababa sa sugar at additives. 
  4. Nakakatulong din ang aromatherapy bilang natural na lunas sa sintomas ng uti. Magpahid ng langis na gawa sa tea tree,sandalwood,frankincense, bergamot at juniper. Ang pinaghalo-halong sangkap ng langis na ito kapag minasahe sa lokasyon ng pantog ay nakababawas sa malalang sintomas ng uti hindi man mismo ang impeksyon. Gawin ito tatlo hanggang apat na beses sa isang araw hanggang sa humupa ang mga sintomas. 
  5. Kumain ng mga prutas na sariwa sa Vitamin C ( mga citric fruits). Ang Vitamin C ay nakakatulong sa pag-prevent ng bacterial growth sa ating pantog at sa urinary tract. Kumain din ng mga pagkain na mayaman sa mineral at iba pang supplement. Mapapanatili mo rin ang alkaline content sa iyong ihi sa pag-inom ng gatas, pagkain ng prutas at gulay.
Ito nga ang ilan sa mga epektibo at natural na lunas na maaari mong subukan para sa sakit na UTI ngunit mas maigi pa rin ang pagkonsulta sa doktor kung ikaw ay nakararanas na ng mga sintomas ng sakit na ito. 


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...