Skip to main content

Toothache: Natural Na Lunas Sa Sakit Ng Ngipin


Lazada PhilippinesToothache- Ang sakit ng ngipin ay isang malaking abala. Hindi mo tiyak kung kailan ito susumpong. Maraming mga natural na lunas ang maaari mong subukan para rito.
  1. Ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin ay makatutulong pahupain ang sakit ng ngipin. Isa ito sa tinuturing na mabisang natural pain reliever.
  2. Ang sibuyas ay epektibo ring lunas sa sakit ng ngipin. Ang pagnguya ng sibuyas ay may dalang benepisyo upang mawala ang sakit ng ngipin. Maanghang ito ngunit garantisadong solusyon. Kung hindi manguya ang sibuyas ay pwede mo rin subukang gumawa ng langis yari rito. Pahiran ng langis ang sirang ngipin gamit ang malinis na cottonballs.
  3. Para sa pagpatay ng mikrobyo ay maaari mo ring subukang ang juice na yari sa sibuyas. Puting sibuyas ang mas epektibong gamitin.
  4. Kapaki-pakinabang din ang Asefitida. Durugin ito at ihalo sa lemon juice at ipahid sa sirang ngipin gamit ang cottonballs.
  5. Pinakamabisa pa rin ang pagsisipilyo ng ngipin dalawang beses sa isang araw. Ugaliin din ang pagmumumog pagkatapos kumain.

Ang mga ito ay natural na lunas lamang sa toothache o sakit ng ngipin. Kaya't maigi pa rin na kumonsulta agad sa inyong dentista para sa mas epektibong solusyon.



Comments

  1. Tama! Ginawa ko yan dati, pero kapag di pa umubra pabunot na. hehehe

    ReplyDelete
  2. aq nga din ngwa q nadin yan peo di prn uubra kng ipapabunot lintik tlga tong toothache.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...