Skip to main content

Carinderia Business: Paano Magsimula at Kumita


Sa kabila ng malaking kompetisyon ng mga naglalakihang restaurant and food chain business sa Pilipinas ay hindi pa rin mawawala ang patok na negosyong Carinderia o Turo-Turo dito sa atin. Marami sa mga Pinoy ang pinipili pa ring kumain ng mga murang lutong bahay na inihahain sa ganito kesa magtungo at magbayad ng mahal sa mga fast food chain.


Kaya't kung nais mong magsimula ng maliit na negosyo. Isa ang Carinderia Business sa maaari mong pasukin. Ito ang ilan sa mga dapat mong ikonsidera kung nais mong mamuhunan sa ganitong negosyo:

  1. Puhunan. Kailangan na pasimulang kapital sa negosyong ito ay hindi bababa sa 15,000 pesos. Ang puhunan ay paiikutin mo sa loob ng isa o dalawang linggo. Ang perang ito ay ilalaan mo sa pagbili ng mga lulutuin, gamit pang kusina,  renta sa espasyo, at bayad sa permits. Mas maliit pa rito ang kailangan mong puhunan kung sa sariling bakuran mo sisimulan ang iyong karinderia.
  2. Gamit. Isa o dalawang mesa para sa iyong mga parokyano, espasyo na paglalagyan ng iyong gamit pang kusina tulad ng kalan,plato, kutsara, tinidor atbp. Maaari na ito para sa maliit na karinderia. 
  3. Tauhan. Sa simula, hindi mo kinakailangan na magpasok ng empleyado ngunit sa katagalan kapag lumago na ang iyong karinderia ay maglaan ng pondo para sa isa o higit pang empleyado na iyong papaswelduhin.
  4. Lokasyon. Isa sa ikatatagumpay ng karinderia ay ang pagpili ng lokasyon. Pumili ng lugar kung saan patok ang turo-turo. Maaaring pagtayuan ang mga lugar malapit sa mga public school, opisina, munisipyo, simbahan, ospital, sakayan ng jeep o pedicab. Basta't doon sa lugar na malapit sa masa. 
  5. Presyo. Tiyakin na ang presyo ng iyong mga ulam ay angkop sa budget ng iyong mga customer. Kung maaari ay bigyan ng discount ang mga suki. 
  6. Luto. Higit sa lahat, dapat na masarap ang iyong mga lutuin para balik-balikan ka ng iyong mga customer at hindi lang sila kundi pati na ang mga taong sinabihan nila sa iyung masarap na luto ay tutungo at kakain sa iyong maliit na karinderia. 
Kung hilig mo ang pagluluto ay hindi mahirap para sa iyo ang negosyong Karinderia. Tandaan, masarap na luto, tamang lokasyon at malasakit sa mga customer ang sikreto ng tagumpay sa negosyong ito. 

source: businessdiary dot com dot ph



Comments

  1. Thank you sa napaka magandang tips

    ReplyDelete
  2. Salamat sa magandang tips..kaya kailangang makapag umpisa na..bilang isang ofw..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...