Skip to main content

Pamahiin Sa Kasal Sa Ibang Bansa (Wedding Superstition)


Hindi lang ang mga Pinoy ang naniniwala sa pamahiin ng kasal. Syempre may iba't ibang paniniwala o pamahiing sinusunod ang mga dayuhan. Heto ang ilan:

  1. Ang paglalagay ng bride ng sugar cube sa kanyang gloves ay magdadala ng tamis sa kanilang relasyon, ayon sa Greek Culture.
  2. Sa England naman, pinaniniwalaan na kung makakakita ng gagamba ang bride sa kanyang pangkasal, siya ay suswertihin.
  3. Binubuhat ng groom ang kanyang bride pagpasok sa kanilang bahay para protektahan ito sa mga evil spirit.
  4. Pinag-aaralan ng mga ancient Roman ang bituka ng baboy para malaman kung kailan ang pinaka-maswerteng araw para maikasal.
  5. Para swertihin, ang mga babae sa Egypt ay kinukurot ang bride sa araw ng kanyang kasal.
  6. Ang mga bride mula sa Middle East ay naglalagay ng henna sa kanilang mga kamay para maprotektahan sila mula sa evil eye.
  7. Nagmi-milk bath ang mga  Moroccan woman para maging dalisay sila bago ang seremonya sa kasal.
  8. Itinatanim sa labas ng bahay ng bagong kasal ang isang pine tree sa Holland bilang simbolo ng fertility at swerte.
  9. Sa simbolo ng lenggwahe ng mga alahas, ang sapphire sa wedding ring ay nangangahulugan ng marital happiness.
  10. Mapapanaginipan ng mga single na babae ang kanilang future husband kung sila ay matutulog na may isang slice ng cake ng groom sa ilalim ng kanyang unan.
source: Bulgar Tabloid kolum ni Denise Visto

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...