Skip to main content

Tips Para Sa May ANEMIA


Ang anemia ay isang karaniwang kondisyon at kadalasan ay hindi ito natutuklasan kung hindi pa grabe ang sintomas nito. Kapag sinabing anemic ang isang tao , ito ay maputla, madaling mapagod at madaling kapusin ng hininga.

Ang anemia ay dahil sa kakulangan ng RBC ( RED BLOOD CELL) sa dugo. Itong RBC ang tagapagdala ng oxygen mula sa baga papunta sa lahat ng bahagi ng katawan dahil sa loob nitong RBC ay may hemoglobin  at dito nakasakay ang oxygen. Kaya kung anemic ang isang tao, ibig sabihin ay kakaunti lamang ang oxygen na nai-dedeliver sa mga tissue ng katawan.

Ito naman ang mga pangunahing sintomas ng ANEMIA


  1. Maaaring kulang ang bitamina (iron, vitamin B12 at folic acid) para sa pagbuo ng hemoglobin at RBC. Ito ay posibleng sa kakulangan ng mga nabanggit na bitamina sa ating diet o kaya naman ay nasa diet man natin ito subalit, walang kakayahang i-absorb pa ito dahil mataas din ang demand ng katawan para rito lalo na sa panahon ng pagbubuntis. 
  2. Kapag nagdurugo ang isang tao, halimbawa nosebleeding at matinding menstratuation at posible rin na nagdurugo ang isang tao sa loob (occult blood loss) subalit hindi ito aware rito.
  3. Dahil sa Hemolytic Anemia- dito ay normal ang produksyon ng RBC sa bone marrow, pero ang RBC ay nasisira rin agad at hindi umaabot ng 120 araw sa sirkulasyon. 
  4. Sakit sa bone marrow ( utak ng buto) na kung saan ang RBC ay ginagawa. Kung minsan po kasi sa halip na RBC ang naroon sa bone marrow, napapalitan ito ng cancer o leukemia cells. At posible rin na ang bone marrow ay na-damage ng gamot, kemikal o radiation. 
Ang paggamutan po ng anemia ay depende sa sanhi nito at laging tandaan na ang anemia ay kadalasang sensyales ng iba pang sakit sa katawan. source: Bulgar - Sabi ni Doc Shane Ludovice 


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...