Skip to main content

Tips For Cellphone Users:Para Hindi Magka-Brain Tumor



Siyam sa sampung tao ang nagmamay-ari ng cellphone kung saan hindi pa kasama rito ang iba pang devices tulad ng cordless phones,iPads,kompyuter atbp. 

Ang mga may cellphone ay tinatayang punumpuno ng tinatawag na non-ionizing radiation,isang uri ng enerhiya na sa unang pagkakataon ay opisyal ng ikinakabit sa banta ng cancer. Ang industrial chemical na nakukuha mula sa pauli-ulit na paggamit ng cellphone kung saan nakapagpapataas ito sa banta ng cancer.

Tips For Cellphone Users to Prevent Brain Tumor

Ang mga taong madalas makipag-usap gamit ang cellphone ang malapit sa banta ng tumor sa utak. Gayunman, magagawang protektahan ang sarili sa pamamagitan ng mga sumusunod:


  1. Bahagyang ilayo ang telepono sa tainga. Karaniwang nagbababala ang manual ng bawat cellphone na mas mainam kung ilalayo ito sa tainga sa tuwing may kausap. Mas mahusay din kung gagamit ng earphone o i-speaker phone mode ito.
  2. Maghanap ng malakas na signal. Higit na nagkakaroon ng mataas na level ng radiation ang isang cellphone kaya mahina ang signal nito. 
  3. Ilapag sa desk ang cellphone kapag hindi ginagamit. Kapag ang cellphone ay hindi naman ginagamit,mainam itong ilapag sa desk at iwasang ilagak sa bulsa o sa may bandang sinturon. Ayon sa eksperto, ang mga lalaking inilalagay malapit sa bahagi ng kanilang katawan ang cellphone ay nagkakaroon ng mababang sperm counts at hindi kagandahang kalidad ng sperm kaysa sa mga walang ganitong exposure.
  4. Kung hindi importanteng tumawag,mag-text na lang. Matinding radiation ang nararanasan kapag nagpapadala o tumatanggap ng text message,gayunman ang intensity at haba ng radiation ay higit na mababa kaysa sa pakikipag-usap sa telepono. Higit na mahusay na alternatibo ang pag-tetext kesa sa pagtawag.
  5. Iwasang gumamit ng cellphone sa loob ng kotse,bus at iba pang sasakyan. Ang paggamit ng cellphone  sa loob ng sasakyan tulad ng bus at kotse ay nakapagtataas sa level ng radiation dahil sa repleksyion. Kung magagawa higit na mainam na patayin o ilagay sa airplane mode ang telepono habang bumibiyahe. (full article source: Bulgar No Problem ni Ms. Myra)
Nagustuhan mo ang tips. Like us on FB Katoto. 


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...