Ang pagtetelebabad umano ng 50 minuto sa paggamit ng cellphone ay sapat na para mabago ang brain cell activity sa isang parte ng utak na malapit sa antenna o sa tenga.
for illustration only |
" What we showed is glucose metabolism increases in the brain in people who were exposed to a cellphone in the area closet to the antenna" ani Dr. Nora Volkow ng NIH kung saan ang pag-aaral ay na-published sa Journal of the American Medical Association.
Ang pag-aaral ay para sa pagsusuri kung paanong ang utak ay nag re-react sa electromagnetic fields na sanhi ng wireless phone signals.
Ani Volkow, nasorpresa siya na ang mahinang electromagnetic mula sa cellphones ay maaaring makaapekto sa aktibidad ng utak pero ang findings ay hindi nabigay-linaw kung ang cellphones ay dahilan ng cancer.
" This study does not in any way indicate that. What the study does is to show the human brain is sensitive to electromagnetic radiation from cellphone exposures."
Ang mga gumagamit ng cellphones ay dramatikong dumarami mula ng ito ay ipinakilala sa tao noong kalagitnaan ng dekada 80 sa may 5 bilyong mobile phones na ginagamit sa buong mundo.
Sa ilang pag-aaral, iniuugnay ang "telebabad" sa mataas na peligro ng brain cancer pero ang malawak na pag-aaral ng World Health Organization ay hindi pa pinal ang konklusyon.
Napag-aralan ng team ni Volkow na may 47 katao ang na-brain scan habang ang cellphone ay ginagamit sa "telebabad" sa loob ng 50 minuto habang ang iba ay naka-off.
Habang walang pangkahalatang pagbabago ang brain metabolism sa parte na mas malapit sa cellphone antenna habang naka-on ang phone.
Ang sinabi ng mge experto ay nakaiintriga pero hinikayat na dapat silang magsipag-ingat.
"Although, the biological significance, if any, of increase glucose metabolism from acute cellphone exposure is unknown, the results warrant further investigation" ani Henry Lai ng University of Washington, Seattle, at Dr. Lennart Hardell ng University Hospital sa Orebro, Sweden na sumulat ng komentaryo sa JAMA.
"Much has to be done to further investigate and understand these effects," aniya.
Sinabi ni Professor Patrick Haggard ng University College London na ang resulta ay nakaiinteres bagamat sa pag-aaral ay lumabas ang direktang epekto ng signal ng cellphones sa paggalaw ng utak. Pero aniya, mas malaking reakyon sa brain metabolic rate ay maaaring mangyari kalaunan, lalo na kapag ang tao ay nag-iisip.
" If further studies confirm that mobile phone signals do have direct effects on brain metabolism, then it will be important to investigate whether such effects have implications for health," aniya.
Sinabi naman ni John Walls, tagapagsalita ng CTIA-the Wireless Association, isang industry group na ang siyentipikong ebidensya ay nagsasabi na "has overwhelmingly indicated that wireless devices within the limits established by the FCC do not pose a public health risk or cause any adverse health effects."
Sinabi ni Volkow na ang kanyang pagkatuklas ay nagpapahayag na kailangan pa ng higit na pag-aaral upang makita kung ang cellphone ay may negatibong epekto sa brain cells.
Sa kabilang banda, hindi na magbabakasakali pa sa aumang tsansa ang mga eksperto. Maging siya ay gumagamit ngayon ng earphone sa halip na idikit ang cellphone sa kanyang tenga habang ginagamit ito ng matagal.
" Hindi ko alam kung may peligro pero kung talagang mayroong peligro, bakit hindi"
source: bulgar
Mga Ekspert, nag-warning...Masamang Epekto Ng Pagse-cellphone Babad
akda ni Nympha Miano-Ang
Korek! Kaya magtext na lang diba? :-)
ReplyDelete