Skip to main content

Tips Paano Kumita ng Pera sa Gcash in 24 Hours!

Sa loob ng 24 hours ay magkakaroon ng pera ang Gcash mo, legit! Ito ang Tips ko kung paano kumita ng pera sa Gcash. Sa blog na ito pag-uusapan natin ang legit ways kung paano mapapasukan ng pera ang Gcash mo sa pamamagitan ng Gcash Load, GSave, GInvest at Freelancing websites. Pag-uusapan din natin kung totoo bang pwede kang kumita ng Gcash sa mga game apps na mada-download sa playstore at appstore na palaging pinopromote ng mga big channels sa YouTube. 

SINO ANG MGA PWEDENG KUMITA SA GCASH?

Importante na malaman na hindi porket may Gcash ka ay pwede ka nang kumita sa Gcash. Kailangan na ang Gcash mo ay fully-verified. Pero wag ka mag-alala dahil napakadali na sa ngayon ang mag-fully verified ng Gcash account. Kailangan mo lang ng isang valid i.d. Dapat na nasa legal age ka, at least 18 years old and above.

Gawin mo ang steps na ito para ma-fully verified ang Gcash mo?

Step 1: Log in sa Gcash gamit ang iyong Biometrics o ang iyong MPIN
Step 2: Click mo ang My Profile
Step 3: Ihanda mo ang iyong ID Photo, Selfie, at i-fill-up ang information
Step 4: Send mo ang application and wait ka lang ng confirmation within the day

Bakit mahalaga na fully-verified ang Gcash mo?

Limitado lang kasi ang galaw ng pera mo sa Gcash kung hindi ka fully-verified. Hindi ka makakapag-cash in and out, halimbawa. At yung mga features ng Gcash kung saan pwede kang kumita ng pera ay hindi mo rin magagawa tulad halimbawa ng eLoading at iba pang pag--uusapan natin sa blog na ito.

Kapag fully-verified ang account, ang wallet size mo ay aakyat hanggang 500,000 pesos. Iba pang paraan para ma-upgrade ang wallet limit sa 500,000 ay ang pag-link ng iyong bank account (BPI, Union Bank, at Payoneer) o di kaya naman ay mag-open ng Gsave at Ginvest at least 100 pesos. 

CASH IN? CASH OUT sa Gcash? Ano ang mga ito?

Technically, lahat ng may access sa Gcash na fully verified ay maaaring makapag-cash in and cash out. Cash in, ay yung magpapasok ka ng pera sa Gcash at Cash out naman ay yung maglalabas ka ng pera gamit ang Gcash. 

Pag-usapan natin ang Cash-in kasi ito 'yung way mo para kung halimbawa na may earnings ka na sa mga app na pag-uusapan natin later on, ito yung button na i-ki-click mo sa Gcash. 

Sa Cash-in feature ng Gcash ay pwede mong i-link ang ilan sa mga payment processors na mayroon ka. Ilan sa mga ito ay ang iyong Bank App (halimbawa: BPI), Payoneer, at Paypal. 

Pwede ka rin namang mag-over the counter. Pumunta lamang sa mga official partner ng Gcash gaya ng Generika, Choice Mart, Ultra Mega Supermarket, Robinsons Easymart, The Marketplace, Shopwise, Robinsons Department, Robinsons Supermarket, Mini Stop, Alfamart, All Day Supermarket, Choice Mart, Easy Day Shop, Ever Supermarket, Gaisano Grand, Puregold, Shopwise, SM Department at marami pang iba.

KUMITA SA GCASH GAMIT ANG IYONG FULLY VERIFED ACCOUNT

Ngayong fully verified na ang account mo ay wala ng makakapigil pa sa iyong kumita ng pera sa Gcash. Alam naman nating sa Pilipinas, ang Gcash ang siyang number 1 pagdating sa online payment transactions. Marami sa mga kompanya ang gumagamit ng Gcash para makapagpasok ng pera sa kanilang mga empleyado at project based workers. Kapag bibili ka rin sa mga establishment sa mall, kahit sa sari-sari store pa nga ay Gcash ang siyang pamalit sa ating paper money. Pati kapag bibili ka ng item sa mga online sellers, Gcash din ang siyang ginagamit for payment transaction. Kung dati uso ang Cash on Delivery, ngayon tiwala na ang buyers at sellers sa paggamit ng Gcash. Kaya naman mas napapadali ang online transaction. 

Kaya naman madali na rin ang kumita ng pera sa Gcash. Ito ang mga paraan para kumita sa Gcash. Simulan natin sa mismong app ng Gcash:

Gcash Buy Load

Isa sa mga pinakamadaling paraan para kumita sa Gcash ay ang pag-loload. Gamitin mo ang Gcash Buy Load as an eLoader ( yung ikaw mismo ang magbebenta ng Load). Patok na negosyo pa ngayong pandemic ang magbenta ng load at kahit hindi pandemic patok pa rin yan kasi lahat tayo nagpapa-load. Sa maliit na puhunan na 100 pesos pwede mo yang paikutin at palakahin sa 500 o 1000 basta marunong ka lang mag-ipon ng iyong tubo. 

Paano ka kikita sa Gcash Buy Load? 

Simple lang, tutubuan mo lang ng piso hanggang tatlong piso ang kada magpapaload sa iyo. Halimbawa kung may magpa-load sa iyo ng sampu, ibenta mo ang load sa halagang 13 pesos. Imagine mo, kung sa isang araw may sampung tao na nagpaload sa iyo ng 10/each, sa tatlong piso na tubo ay mayroon kang kita na 30 pesos. Di na masama sa 100 pesos na puhunan. Simple pa ang kitaan at madaling paikutin kasi nga lahat sa atin nagpapaload araw-araw.

Sino ang mga pwede mong bentahan ng Gcash Buy Load?

Sure akong lahat ng mga kakilala mo, pamilya mo, officemate, schoolmate, at iba pa ay may mga cellphone. Kaya silang lahat ay potential buyers ng load business mo. 

Hindi mahirap maghanap ng bebentahan ng load. Hindi katulad ng mga physical product na kailangan mong ubusin kasi mag-eexpire, ang Gcash money ay digital money na walang expiration at basic necessity na ng lahat sa atin dito sa Pilipinas. 

Kaya naman kung gusto mong kumita ng pera sa simpleng paraan, gawin mong negosyo ang buy load feature ng Gcash. 

Anong mga load ang pwede mong ibenta sa Gcash?

Sa Gcash Buy Load pwede kang magbenta ng load sa Globe, TM, Smart, Dito, Cherry, at TNT. Pwede ka ring magbenta ng broadband load sa Globe, Globe Business, Smart at PLDT Home. Mayroon ding tinatawag na Lifestyle load kung saan pwede kang magbenta ng load ng KUMU app, Game credits at sa iba pang app gaya ng Gagaoolala, iQiyi, NBA, Vivamax, WeTV at iba pa.

GCASH CREDIT

Opo, nagpapautang din ang Gcash na siyang pwede mong gamitin na pampuhunan mo sa eLoad at iba pang partner store ng Gcash na tumatanggap ng Gcredit gaya ng mga telco companies at electric companies tulad ng Meralco. Maganda ito para sa mga nagsisimula ng tindahan, pwede kang tumanggap ng bills payment mula sa mga suki mo, gamit ang Gcash credit na pasimula mong puhunan. Nagpapautang ang Gcash ng halagang 1000 pesos hanggang 30,000 pesos depende sa iyong Gscore.

Ano ang Gscore? Paano tumaas ang Gscore?

Ang Gscore ay ang trust rating ng Gcash na siyang batayan upang bigyan ka ng mataas na credit line. Mas mataas na Gscore, mas mataas din ang kayang ipautang sa iyo ng Gcash. 

Para magkaroon ng mataas na Gscore, gamitin mo lang ang mga features ng Gcash gaya ng Cash in, Pay QR, Pay Bills, Ginvest at Gsave. At syempre kung lagi kang on time magbayad ay tataas din ang iyong credit limit. 

May patong lamang na 3% interest ang Gcredit, mababa kumpara sa ibang online lending companies.

Gsave

Isa pang feature ni Gcash na pwede kang kumita ng pera 24 hours a day 7 days a week ay ang Gsave. Ang Gsave ay ang savings account ni Gcash na pwedeng kumita ng interest ang iniimpok mong pera dito. Mas mataas kumpara sa ibang banko ang interes ng Gsave na pwedeng kitain ng pera mo habang natutulog ka, 2.50% annually. Mas maigi nang i-save mo ang pera mo dito habang nag-iisip ka pa ng iba pang pwedeng pagkakitaan na negosyo. At least kahit natutulog ka, hindi matutulog ang pera mo dito. 

Paano gamitin ang Gsave?

Login ka lamang sa iyong Gcash at i-click ang Gsave option. Sa loob ng Gsave, may options na withdraw at deposit, schedule auto-deposit at pati transaction history.

GInvest

Nagbabalak ka bang mag-invest sa stock market pero di mo alam kung paano magsimula? Pwede mo ring subukan ang GInvest feature ni Gcash para kumita ng pera mula sa pagbili at pagbenta ng iba't-ibang money market funds. Very ideal ito para sa mga small time investor o newbie sa investing. Kasi dito kahit halagang 50 pesos pede mong patubuin sa Ginvest.

Sa kasalukuyan, depende sa'yong risk appetite, pwede kang mag-invest sa mga sumusunod:

ALFM Global Multi-Asset Income Fund Inc. PHP
Philippine Stock Index Fund (Units)
ATRAM Peso Money Market Fund
ATRAM Total Return Peso Bond Fund
ATRAM Philippine Equity Smart Index Fund
ATRAM Global Consumer Trends Feeder Fund
ATRAM Global Technology Feeder Fund

GLife

Mahilig ka ba sa games o mahilig sumubok sa swerte? Dito sa GLife feature ng Gcash pwede kang magparticipate sa iba't-ibang uri ng games gaya ng sa Goama Games kung saan may mga promo sila na pwede kang manalo ng cash prize. 

GPromo

At syempre, may mga pa raffle din itong si Gcash kapag may mga special events gaya nitong Merry Gcash na pamaskong handog nila sa mga Gcash users. Kung saan pwede kang manalo ng 1 Million Grand Prize. Nakipag-partner ang Gcash sa ilang mga kilalang brands gaya ng McDonald's, KFC, Singlife, Bayad, Abenson, PureGold, Konsulta MD, Foodpanda, Globe at Home and Alipay Rewards at iba pang affiliate partners ni Gcash.

Paano Naman Kumita ng pera sa Gcash outside the app?

Gaya nga ng nabanggit ko kanina, marami ng mga employer ang nagpapasahod gamit ang Gcash. At marami ring mga freelancing company ang pwede mong aplyan para magkaroon ng perang laman ang Gcash mo. 

Freelancing

Isang legit na paraan para kumita ng pera ay ang Freelancing. Marami sa atin ang nawalan ng trabaho, dahil maraming traditional business ang naapektuhan ng pandemya. Kaya salamat na lang sa mga freelancing website, kahit papaano ay nakatulong ito para maka-survive ang ilan sa atin. 

Kung bago ka sa freelancing, ito 'yung uri ng trabaho na hawak mo ang sarili mong oras. Technically wala kang boss at ang ibebenta mo dito ay ang skill mo. Ito ang ilan sa mga patok na skills na mabenta sa mga clients na madalas ay nasa U.S, U.K, Australia, Canada at iba pa.:

Writing skills
Digital Marketing
Customer Service Jobs
Sales Jobs
Graphic Design
Website Building
Teaching Foreign Language

Ito naman 'yung mga trusted website kung saan ka makakahanap ng clients:

Upwork
Freelance Dot Com

Paano papasok ang perang kinita mo sa Gcash?

Madalas magbayad si client gamit ang payoneer at paypal. Kaya ang gagawin mo lang ay i-link ang payoneer at paypal account mo sa Gcash. Login ka lang sa Gcash, click Profile and then click the My Link Accounts.

Totoo Bang Pwedeng Kumita ng Gcash sa mga Game Apps?

Pasok naman tayo sa mga naglipanang game apps na free mong mada-download sa Google Play Store at IOS. Itype mo lang "Cash Games" at sandamakmak na game apps na nagpa-promise na kikita ka ng pera. Marami ring mga YouTuber ang nagsasabing pwede kang kumita sa paglalaro lang pero ang totoo hindi ganun kadali at hindi dahil nag-games sila kaya kumita sila sa mga ito. Dahil ang pinaka-way talaga para kumita sa mga game apps na ito ay "inviting" o "referral program. 

Opo, pare-parehas lang ang way talaga ng mga game apps na ito. Kung sosolohin mo ang paglalaro, aabutin ka ng buwan o taon para kumita ng barya. Kaya kung susubukan mo ang mga game apps, recommended na marami kang followers o subscribers kung saan sila ang magiging way mo para maging successful sa pagre-refer mo at talagang kumita ng pera na papasok sa Gcash.

Ingat din sa pagsali sa mga game apps na ito, kasi madalas bago mo pa makuha ang earnings mo, sarado na ang app o nagpalit na ng name sa appstore o playstore. 

Kaya kung gusto mong kumita ng pera sa Gcash talaga sa loob lamang ng 24 hours, dun ka sa legit ways. Simulan mo sa eLoading, saving, investing at freelancing. 

Iklik mo yung share button para malaman din ng friends mo sa Facebook, Twitter at iba mo pang social media ang legit ways kung paano ka kikita ng pera sa Gcash. 

Follow mo rin ang blog na ito para sa mga updates tungkol sa Gcash at iba pang topic tungkol sa pagkakaperahan, trabaho, negosyo, kalusugan at iba pa.

Kung nakaabot ka hanggang sa huli ng blog post na ito, comment ka below gamit ang hashtag na #perasagcash

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...