Skip to main content

Avocado: Ang Mabuting Dulot Nito Sa Kalusugan



Avocado- Mayroong walong dahilan kung bakit dapat kumain tayo ng prutas na ito. Ang pagkonsumo nito ay napakabuti sa ating kalusugan at maaari tayong makaiwas sa mga sakit:

  1. Prostate Cancer. Napatunayang ang avocado ay may kakayahang kumontra sa banta ng naturang sakit.
  2. Oral Cancer. Lumabas sa pananaliksik na ang naturang prutas ay nagtataglay ng compounds na may kakayahang magtaboy ng pre-cancerous cells ng hindi makapipinsala sa iba pang malusog na cells sa katawan.
  3. Breast Cancer. Ang avocado tulad ng olive oil ay mayaman sa oleic acid na napatunayang nakapagpapaiwas sa panganib ng breast cancer.
  4.  Kalusugan ng mata. Ang avocado ay natataglay ng maraming carotenoid lutein na may kakayahang protektahan ang kalusugan ng mata mula sa banta ng macular degeneration at katarata.
  5. Pagbaba ng cholesterol. Ang avocado ay mayaman sa beta-sitosterol compound na tinatayang nakapagpapababa sa cholesterol level ng katawan mula sa regular na pagkonsumo.
  6. Kalusugan ng puso. Ang isang tasa ng avocado ay nagbibigay ng 23% ng rekomendadong daily value ng folate. Lumabas sa pag-aaral na ang mga taong ang diet ay mayaman sa folate ay may mababang banta ng sakit sa puso kesa sa mga taong hindi kumo konsumo nito. Ang naturang prutas ay mayaman sa Vitamin E, monounsaturated fats at glutathione na kapwa mahusay sa puso.
  7. Pag-iwas sa stroke. Ang avocado ay mayaman sa folate na mahusay ding nakapagpapaiwas sa banta ng stroke.
  8. Kailangang glutathione. Ang avocado ay mahusay na pagkunan ng glutathione na mahalagang antioxidant sa katawan ayon sa pananaliksik. source bulgar tabloid


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...