Skip to main content

Tai Chi: Mabisa Nang Pangontra Sa Pagkaulyanin at Pampatalino Pa



May ilang gawaing hindi gaanong nangangailangan ng pisikal na lakas ang makatutulong sa'yo para maging matalino. Sa pag-aaral na isinagawa ng mga siyentista, ang pagsasagawa ng Tai Chi ay may kakayahang palakihin din ang sukat ng iyong utak upang ma-improve ang iyong memorya at pag-iisip na tulad ng benepisyong iyong makukuha sa aerobic exercise. Posible rin itong gawing pangontra sa pagiging ulyanin.

taichi benefits
Ang Tai-chi ch'uan  o mas kilala sa tawag ba Tai-Chi ay isang uri ng Chinese martial arts na pinapraktis bilang pandepensa at para sa kalusugan. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng mabagal at mediatitive na ehersisyo. Sabi ng mga eksperto, kapag ito ay ginawa mo ng tatlong beses sa loob ng isang linggo, tiyak na mabu-boost nito ang volume ng iyong utak at tatalino ka. Kaya nitong maging stress-releiver at pababain ang presyon ng dugo na makatutulong naman sa mga may sakit sa puso. Ito ang kauna-unahang pag-aaral na nagpapatunay na hindi mo kailangan mag-ehersisyo ng todo upang malabanan lamang ang iyong sakit. 

Nagsagawa ng eight month controlled trial ang mga mananaliksik sa matatandang Chinese upang makita ang epekto ng Tai-Chi sa kanilang katawan at maikumpara ito sa mga hindi nag-eensayo nito. Maliban dun, mayroon ding diskusyon na ginaganap ng tatlong beses sa isang linggo upang malaman kung may improvement sa kanilang pag-iisip.Lumabas sa resulta na ang mga nagsasagawa ng Tai Chi ay aktibong nakikisali at nakikipagpalitan ng diskusyon na maihahalintulad sa epekto ng ehersisyo, habang lumiliit naman ang utak ng mga hindi nagpa-participate sa Tai Chi session. Ang research ay nagpapakita na ang ehersisyo tulad ng Tai Chi na may halong importanteng health exercise component ay makatutulong sa isang indibidwal lalo na sa may edad na makalilimutin upang mapaglabanan ang sakit na ito at kasabay nito ang pagiging malusog sa loob at labas. Ikaw? gusto mo ba itong subukan. source: Bulgar writer: Kenneth Joy Carino




Bookmark and Share




Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...