Skip to main content

4 Na Alternatibo Sa ENERGY DRINK


Sino ba sa atin ang hindi pa nakakatikim ng energy drink. Madalas pa nga'y gawing habit na ng mga Pinoy ang uminom nito para magkaroon ng stamina.

Ang energy drink ay madalas na inumin pagkatapos na mag-ehersisyo. Ang iba nama'y umiinom nito bago sila magtrabaho bilang pampagana at pampapaliksi sapagkat ito ang mga benepisyong pinaniniwalaan nilang hatid ng inumin na ito.

Pero alam ninyo bang may negatibong dulot din ang pag-inom ng energy drink sa ating kalusugan? Marami ng mga pag-aaral ang nagpatunay sa mga masamang hatid nito sa ating sistema. Ilan sa mga ito ay ang ss. ayon sa ulat ng LiveScience.


  1. Heat problem
  2. Panganib na ikaw ay makunan ( para sa mga nagbubuntis)
  3. Panganib na baka mas malulong sa pag-inom din ng alcohol.
  4. Panganib na baka malulong sa droga
  5. Impaired Cognition
Kitang-kita sa mga paliwanag na ito na may masamang dulot talaga ang pag-inom ng Energy Drink. Kung kaya naman, kung nais mong magkaroon ng sigla sa iyong araw-araw na gawain ay sumubok ka na ng iba pang alternatibo dito. Heto ang ilan:

  1. Tubig. Mas maigi ito kaysa sa energy drink na punong-puno ng caffeine na siyang nagdudulot pati ng dehydration. Mas maigi ang tubig dahil wala itong calories at mainam ito sa katawan.
  2. Green Tea. Maaari ngang may caffeine din ang Green Tea, pero hindi naman ito labis tulad ng sa Energy Drink. At saka, mas kilala ang green tea sa pagbibigay ng magagandang benepisyo sa ating kalusugan. Tulad ng mayroon itong antioxidant na panlaban sa cancer at atake sa puso. 
  3. Milk Chocolate. Pinanunumbalik nito ang sigla ng isang tao lalo't kung kakatapos lang mag-exercise. Tiyak na isang magandang alternatibo ito sa enegy drink. 
  4. Cherry Juice. Ang cherry naman ay natural na mayroong  bitamina at minera na hatid sa ating katawan. Pwedeng-pwede mo itong gawing juice. Bukod sa masarap na, healthy pa't tiyak na mas mainam na alternatibo kaysa sa energy drink.
Iyan ang apat na alternatibo sa Energy Drink. Kaya nasa sa iyo na kung iinom ka pa ba niyan o hindi na.  

source: medicmagic.net



Comments

  1. Sabagay tubig naman talaga kasi pinakabase ng energy drink kung walang tubig di din yan mag-eexist.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...