Skip to main content

Malaking Tiyan - Dahilan Ng Mataas Na CANCER RISKS


Alam na ng lahat na ang pagiging overweight o sobra sa timbang ay hindi maganda sa kalusugan. At ayon sa bagong pagsusuri, na ang pagkakaroon ng excess fat sa bandang tiyan ay magdudulot pati ng iba pang sakit na mapanganib, ang  cancer at ang sakit sa puso.

Ipina-CT SCAN ng mga researchers ang mga abdominal fat ng tatlong-libong Amerikano na nasa edad 50 hanggang 70. Sa pag-aaral na ito ay nasuring mayroong 90 kaso ng sakit sa puso, 141 kaso ng cancer, at 71 kaso ng mga namatay na. Kaya naman ayon sa kanilang konklusuyon, sinasabing ang pagkakaroon ng malaking tiyan ay pwedeng maging dahilan ng pagkamatay ng isang tao sa sakit na cancer at heart disease.

Kaya naman bago pa lumaki ang iyong tiyan ay subukan ng magpapayat o i-maintain ang normal na weight. Ito ang ilang tips para hindi ka magkaroon ng excess belly fats:

  1. Kumain ng mga prutas tulad ng melon, pinya, mansanas, kiwi atbp. Ito ang ipamalit mo sa meryendang iyong nakasanayan na tulad ng pagkain ng mga walang sustansyang chichiria. 
  2. Kumain ng salad bago maghapunan. Maganda itong appetite suppressant. 
  3. Sukatin mo ang iyong mga kinakain. Takalin ang kanin para hindi sumobra sa dapat na kainin lamang. Maiging mayroon kang mga kasangkapan na panukat at pantakal.
  4. Itigil mo na ang pagkain ng mga walang sustansyang pagkain at inumin tulad ng chips at mga soda drink. 
  5. Para makontrol mo ang iyong appetite at upang hindi magkaroon ng malaking tiyan ay gumamit ka ng isang maliit na plato sa tuwing ikaw ay kakain. Ayon sa pagsusuri, sa paraang ito ay mapipigil mo ang pagnanais mong kumain ng labis.
  6. Palagiang magtabi ng sariwang gulay at prutas sa ref para ma-enganyo kang kumain ng mga masusustansyang pagkain. 
Sa pamamagitan ng mga ito ay tiyak na liliit na ang iyong tiyan. Hindi lang iyon, maiiwas ka pa sa mga sakit na mapanganib tulad na lang nga ng cancer at sakit sa puso. 

source: medicmagic.net


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...