Skip to main content

Tips Para Makaiwas Sa HEPATITIS A


Ang karaniwang sanhi ng Hepatitis A ay ang maruming tubig at pagkain. Kapag ang nagprepara ng inumin o pagkain ay impektado ng Hepatitis A, pwede ka ring mahawa nito. Kapag impektado na ng HEPA A, maaari ring mahawa ang iba pang kasamahan sa bahay at katrabaho kaya ipinapayo rin ang pagbukod ng plato, kutsara't, tinidor at baso.

Ang Hepa A ay gumagaling din makalipas ang dalawang linggo, 'di tulad ng Hepatitis B na may posibilidad na maging carrier. Ibig sabihin ng carrier, ay posibleng wala kang sintomas ng Hepa B subalit ang dugo mo ay positibo pa rin dito. Kung nagkaroon ka ng Hepa A. Magkakaroon ka na ng immunity sa Hepa A Virus. Ibig sabihin ay hindi ka na ulit magkakaroon nito subalit pwede ka pa ring magkaroon ng Hepatitis B, C, D at E.

Totoong walang tiyak na gamot para dito dahil virus ang sanhi ng sakit na Hepa A at B kaya walang antibiotics para dito. Ang gamot na ibinigay sa iyo ng doktor ay bitamina lamang para sa atay.


TIPS PARA MAKAIWAS SA SAKIT NA HEPA A


  1. Kumain at uminom lamang sa mapagkakatiwalaan na establishment.
  2. Iwasang makihati sa kinakain o iniinom ng taong impektado ng Hepa A
  3. Ugaliing magsabon at maghugas ng kamay
  4. Kumain ng lutong pagkain ( hindi hilaw o half - cooked)
  5. Ibukod pansamantala ang mga personal na gamit nila gaya ng plato, baso, kutsara, tinidor atbp.
  6. Magpa-inject ng gamma globulins bago o matapos ma-exposed sa virus, 'yun nga lang ay maiksi lamang ang epekto nito ( 3 hanggang 6 na buwan)
  7. Magpabakuna laban sa Hepa A 
Kung sa Hepa b ang bakuna ay ibinibigay ng tatlong beses, ang bakunang Hepa A ay dalawang beses naman, ngayon at isang buwan pagkatapos. May booster dose rin ito na ibinibigay makalipas ang anim hanggang 12 buwan mula ng simulan ang bakuna. Ang proteksyong ito ay pangmatagalan. 

source: Bulgar Sabi ni Doc Shane Ludovice column
image source: 


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...