Skip to main content

Tips Para Hindi Boring Ang Rainy Days


Kapag rainy season, tinatamad tayong magkikilos o lumabas. Ang iba, hate na hate ang tag-ulan...paano kasi hindi makagala o makaalis man lang ng bahay dahil sa baha. Ano nga bang pwede pang gawin umuulan. Ito ang ilang Tips para hindi naman boring ang rainy days.



  1. Subukang magluto. Marami kang bagay na maaari mong lutuin mula sa biscuits, cakes, buns, cookies hanggang sa mga ulam na tiyak kagigiliwan ng buong pamilya. Humanap ng cookbook at simulan ito.
  2. Maggantsilyo. Girly masyado ito kung titignan pero maaari din itong gawin ng mga lalaki. Marami kang maaaring magantsilyo tulad ng finger puppets, blankets, sock puppets etc. Subalit tiyak na kakailanganin mo ang tulong mula sa taong marunong gumawa nito.
  3. Magbasa ng libro. Maraming magagandang nobela riyan at ang iba rito ay tiyak na naroon lamang sa inyong bookshelf. Ang pagbabasa ay isang paraan ng pag-a-adventure na hindi na nangangailangan pang lumabas ka ng iyong tahanan. 
  4. Magsulat ng istorya. Maraming paraan para ka makapagsulat, pwede kang gumamit ng computer, sa papel, o kaya sa typewriter. Mag-isip ng bagay na maaari mong maisulat at maaari mo itong mapagpatuloy sa susunod na umulan muli.
  5. Gumawa ng gawaing bahay. Maglinis at ayusin ang ilang parte ng inyong bahay na nangangailangan ng maintenance. 
  6. Maglakad-lakad. Kung ikaw ay natatakot na mabasa, magdala ka ng payong. Pumunta ka malapit sa park o bumisita ka sa iyong kaibigan. Kung hilig mo nang kumuha ng larawan, dalhin mo ang iyong camera at magpicture-picture.
  7. Gumuhit ng larawan. Kung ikaw ay may hilig sa art, maaari kang magpinta o kaya ay mag-drawing. Maaari ka ring maghanap ng mga bagay sa inyong bahay na pwede mong lagyan ng art.
  8. Manood ng movie. Pamatay ng oras ang panonood ng TV at syempre, gayundin ang movie. Maaari kang mag-download mula sa internet o halungkutin mo na ang iyong baol. 
  9. Humigop ng mainit na inumin. Gumawa ka ng isang tasa ng hot chocolate, tsaa o kape at i-enjoy ang malamig na panahon sa pamamagitan ng pag-upo sa sala.
source: Bulgar kolum ni Denise Visto
image source: webmd.boots.com


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...