Skip to main content

Tips Kung Paano Ginagawa Ang JAPANESE DIET


Hindi naman linggid sa ating lahat na isa ang mga haponesa na may magagandang kutis at hubog ng katawan. Pero hindi naman ganun kadali nila ito nagawa. Sadyang mayroon lang silang trick kung paano ito gawin. Ito ang tips kung paano ginagawa ang Japanese Diet base sa Slim Secrets of Japanese People, ulat ng Nine MSN.


  1. Ibase ang iyong diet sa pagkain ng isda, soy, kanin, gulay at prutas. Ibig sabihin hindi naman puro fats ang makikita sa mga healthy food na yan. Ang mga japanese ay madalang kumain ng karne. Kung kaya naman nananitiling slim ang kanilang pangangatawan.
  2. Mas madalas din kumain ang mga japanese sa mga maliliit na mangkok. Tulad nila, kung gusto mong pumayat dapat na small portions lang ang pagkain mo. Hindi ka madaling tataba kung paunti-unti lang ang kain mo. Dapat na mabagal lang din ang pagkain at i-enjoy mo ito.
  3. Light lang din ang mga pagkain ng mga Japanese. Sa pagluluto ay gumagamit sila ng Canola oil na isang uri ng light oil. Ang paraan din ng kanilang pagluluto ay paglalaga, paggigisa, at pagpapakulo - dahil sa paraang ganito ay hindi nasisira ang mga substance ng pagkain. Iwasan din ang pagkain ng mga pinirito o baked na pagkain, dahil magdudulot lang ito ng bad fats na siyang makakasira lang sa iyong pigura.
  4. Mas maigi rin para sa mga Japanese ang pagkain ng kanin kada kakain ng tanghalian o hapunan kaysa sa tinapay. Mas nakakubusog kasi ang kanin at mas matagal kang gugutumin. Dahil dito, iniiwasan ng karamihan sa mga japanese ang pagkain ng tinapay o matatamis na snacks.
  5. Hindi rin mawawala sa ritwal ng mga hapon ang pagkain ng almusal. Nakapagbibigay ng enerhiya at nutrisyon ang almusal. Kaya naman hindi kataka-taka na ang mga haponesa ay nananatiling slim kahit kumain pa sila ng mga snacks.
  6. Habit na rin sa mga hapon ang page-ehersisyo Mahilig sila sa anumang uri ng physical activity at exercise gaya ng pagdya-jogging, cycling, badminton atbp. Gustong-gusto nila ang pinagpapawisan upang magkaroon ng isang malusog na pangangatawan. 
Ikaw, gusto mo bang pumayat? Mag-japanese diet na upang ikaw ay magkaroon din ng katawang seksi na iyong maipagmamalaki.

source: medicmagic.net
image source: dissale.com



Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...