Skip to main content

Tips Para Maging GOOD HUSBAND


Hindi naman ganun kahirap maging good husband sa iyong may bahay. Ang dapat mo lang gawin ay sundin ang iyong puso, konsensya, at gampanan mo ang iyong responsibilidad sa iyong asawa. Ilan sa mga Tips na iyong mababasa ay makakatulong upang maging matatag ang inyong pagsasama ni misis:


BE A GENTLEMAN

Karamihan sa mga babae ay gustong-gusto ang pagiging sweet ng kanilang mister. Kung ang iyong asawa ay ganun, ihanda mo na ang iyong sarili para mailabas ang iyong 17th century na manners tulad ng paghalik sa kanya bilang hello at goodbye, bitbitin ang kanyang mabibigat na dala, pagbuksan siya ng pinto at bayaran ang inyong date. Pero dahil ang mga babae ay medyo may topak, kung ayaw niyang i-treat mo siya ng ganun, huwag mo itong damdamin. Ipagpatuloy mo na lang ang pagiging sweet sa kanya.

HAVE RESPECT

Ang pagrespeto ay pagpapakita ng pag-unawa. Unawain mo na ang iyong asawa ay isang independent na tao at may ilang bagay na hindi niya gusto na inaayunan mo siya. Para maipakita mo ang pagrespeto sa kanya, tuparin mo ang iyong pangako, laging maging on-time, huwag kang mag-assume at palaging makinig sa kanyang sinasabi.

DON'T LIE 

Gawin mong habit ang pagsasabi ng totoo. Tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang mararamdaman mo kung natuklasan mo na ang iyong asawa ay may itinatago sa'yo. Lagi mong sabihin sa kanyan kung saan ka pupunta kung nais niyang malaman. Kung sino ang iyong kasama o kahit anong nasa isip mo. Ang pagiging bukas at hindi pagsisinungaling ay nakagagawa ng isang magandang verbal communication na siyang magiging  magandang pundasyon ng isang relasyon.

DON'T CHEAT

Ito ay isang uri ng pagsisinungaling. Matutuwa ka kaya kung malalaman mo na nagloloko ang iyong asawa? Kung may ka-affair, mag-isip kang mabuti at tanungin mo ang iyong sarili kung bakit ka nagpakasal sa taong ito in the first place. Kung mahal mo ang iyong asawa pero may gusto ka na rin sa iba, isipin mo kung gaano ito ka-unfair para sa kanyang side. Huwag kang maging selfish.

DON'T BE LAZY

Ang pagiging tamad ay isang major turn-off sa mga babae at isang bad habit na rin. Ang pagiging tamad ay 'yung paggawa ng isang bagay na alam mong gawin pero hindi mo ginagawa. Tulungan mo siya sa ilang gawaing bahay at surpresahin siya sa pamamagitan ng paglilinis kahit isang araw lang at ito ay makagagawa ng isang malaking pagbabago.

DON'T BE SELFISH

Lahat tayo ay may kapasidad na maging selfless. Ang pag-ibig ay nakapagpapalabas ng selflessness ng isang tao. Imbes na tinatanong mo ang iyong sarili kung anong magagawa mo para sa sarili mo, simulan mong tanunging kung anong mga bagay ang magagawa mo para sa iyong asawa. Gayundin para sa ikagaganda ng inyong relasyon.

Ito ang ilan pa sa mga Tips Para Maging Good Husband:

  1. Bawasan ang pagiging seloso
  2. Huwag manakit at kontrolin ang boses
  3. Gumawa ng paraan para gumaan ang kanyang pakiramdam
  4. Maging open ka sa iyong asawa. Nagpapakita ito kung paano mo siya pinagkakatiwalaan
  5. Ligawan mo siyang muli. Sapagkat mahalaga ang romansa sa isang relasyon. Lalo na sa buhay ng mag-asawa. 
source: Bulgar credits to the writer: Denise Visto

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...