Skip to main content

Ang Epekto Ng Computer Games Sa Kids



Hook na hook ang ating kids sa paglalaro ng computer games. Hindi naman masama ito kung hindi lalabis sa paglalaro sapagkat lahat ng sobra ay may dulot na masamang epekto. Kung minsa’y mas madalas na sila sa pagbababad dito kaysa tapusin ang kanilang assignment sa school. Ano nga bang mayroon sa computer games bakit ang lakas ng hatak nito sa kabataan. And also what are the good and bad effects of computer gaming to your kids? Ito ang ilan sa mga dapat mong malaman tungkol dito.
Effects of Computer Games For Kids
Computer games can make your kids violent. Naanalisa sa pag-aaral ang epekto ng violent games sa kabataan. In the study made by Indiana University School of Medicine, naglabas sila ng brain data at ipinakita na ang pagkahantad sa violent computer games at iba pang media ay nakaaapekto sa parte ng utak na responsable sa pagdedesisyon at control sa ugali. Habang na-aadik sa violent computer game ang iyong kids ay nagiging bayolente rin ang ugali nila, habang ang iba ay di naman apektado. The experts and game manufacturers both agreed that violent computer games should be played at the right age range. At syempre, hinay hinay lang sa paglalaro.

Computer games can affect your kid’s social life. Sa maraming kabataan, ang paglalaro ng computer games ay pangunahing komposisyon ng kanilang pangkalahatang karanasan sa lipunan. Sa isang Research study, ipinakita na higit sa kalahati ng kabataan ay naglalaro ng computer games sa iba’t-ibang paraan. Sa 42% na paglalaro kontra ibang tao sa isang silid nang higit sa kalahating oras. Maging ang internet ay may maraming players sa isang game mula sa isang remote location. Ang games na lalaruin  ng maramihang players ay may koneksyon sa iba pang dako kung saan siya naroon. Ang relasyong ito ay may negatibong epekto. Ipinakita ng Pew Research study na ang kabataan ay dumaranas ng pagkamuhi, pagkainis at may apekto rin sa kanyang sexual behavior habang naglalaro ng online games.

Bagamat may masamang epekto ang paglalaro ng computer games ay mayroon naman itong dulot na maganda para sa mga avid players gaya ng kids mo. Basta’t lalaruin lamang ito ng hinay-hinay:

Kids can improve their computer skills. May ebidensiya na ang paglalaro ng computer games ay nakatutulong para sa eye-hand coordination. Ang kabataang ito na naglalaro ng computer games ay natututong gamitin ang hand controls at nakapagmamani-obra sa kanilang complex game  environment. Ang computer games din ay madalas na nagbibigay-hantad sa iba’t ibang uri ng teknolohiya na may aplikasyon sa iba pang bahagi ng buhay at trabaho.
Source: Bulgar credits to: Nympha Miano Ang


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...