Skip to main content

Sleep Problem- Tips At Iba Pang Dahilan Nito



Ito pa ang ilan sa Tips kung paano malulunasan ang iyong sleep problem at iba pang dahilan kung bakit nangyayari ang iyong hirap sa pagtulog sa gabi.
Tips On Sleep Problem

  1. Maingay at hindi komportableng paligid. Ang maingay at hindi komportableng kapaligiran ay nagbubunsod sa pagkagising sa kalagitnaan ng tulog at gabi. Maliban dito, ilan pa sa dahilan ng hindi maayos na pahinga ay ang maliwanag na ilaw sa loob ng silid o ang pang-iistorbo ng mga alagang hayop, maging na rin ng mga eletronics sa loob ng kuwarto na nagdudulot ng tinatawag na electromagnetic fields na humahadlang sa melatonin levels habang nagpapahinga. Mainam kung mapapanatili ang madilim at tahimik na silid para sa masarap at payapang tulog. 
  2. Hindi tamang posisyon sa pagtulog. Ang pagtulog sa maling posisyon para sa spine ay maaaring magbunsod sa pagkasakit ng likod at leeg, maging ng pamamanhid ng mga braso at daliri. Ang lahat ng mga suliraning ito ay nagbubunsod sa hindi maayos na tulog sa gabi. Ang pinakamahusay na posisyon para sa spine ng isang tao ay ang paglapat ng likod sa higaan at walang anumang unan, kung meron man ay mababa lang upang maiwasang maitulak ang ulo mula sa leeg sa posisyong masasaktan ito na maaari ring magbunsod sa pananakit ng ulo at leeg. Pinakamaling posisyon sa pagtulog ay ang pagdapa.
  3. Suliranin ng circadian rhythm cycle. Ang pineal gland ng isang tao "internal clock" ( circadian rhythm cycle) na kumokontrol sa katawan kapag bumabangon sa umaga ay siya ring nagte-turn off nito sa gabi. Nagbibigay ito ng impormasyon mula sa kapaligiran tulad ng liwanag at temperatura sa signal na naipadadala sa ilang bahagi ng utak at katawan. Gayunman, ang circadian rhythm cycle ay maaaring makontra ng stress, paglipad mula sa ibang lugar na may ibang oras at pagpapalit ng oras ng trabaho. Mainam kung pananatilihin ang pagtulog sa magkakaparehong oras sa gabi at pag-iwas sa labis na pagpupuyat. source: Bulgar-No Problem ni Ms. Myra
Bookmark and Share


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...