Skip to main content

Dapat Gawin Sa Kapitbahay Na Nananakot (Neighbor's Quarrel)



May matinding neighbor’s quarrel ba kayo? Tipong nakararanas ka na ng pananakot o tipong nagkakalat na na ng tsismis ang iyong kapitbahay na hindi maganda tungkol sa iyo? Ito ang ilan sa tips kung anong dapat gawin kapag nanakot na ang iyong kapitbahay.


Know the exact problem. Determinahin mo kung ano at saan ba nangagaling ang problema. Kung may naririnig ka sa tsika ng ibang kapitbahay na nagsasalita siya nang hindi maganda tungkol sa iyo, hindi naman ibig sabihin na totoo na. At baka naman iba rin ang iyong mga narinig. Bago ka magwala sa sitwasyon, tiyakin na alam mo talaga ang tunay na problema.

Be civilized. Manatili kang sibil at kampante. Mahihirapan ang kapitbahay na makipagtalo sa isang taong palakaibigan at mabait. Panatilihin mo pa rin sa iyong ugali na maging “palabati” at laging nakangiti sa kanya sa tuwing makikita mo ang iyong kapitbahay. Kahit na wala kang nakikitang good side niya, basta patuloy kang maging mabait sa kanya, tiyak na kakampihan ka pa ng iba mo pang kapitbahay at hindi ikaw ang lalabas na may problema.

Note down important events when you got bullied by your neighbor. Isulat sa isang notebook ang mga petsa, oras at detalye ng kanyang panghaharass o o pananakot. Kung magtatapos kayo sa paghaharap sa korte ay may mga dokumento kang maipapakita. Sa pamamagitan nito ay mailalatag mo ang mga pagkakataon na nangyari sa pagitan ninyo noon.

Use a voice recorder. Gumamit nito kapag nag-uumpisa nang magsalita nang hindi  maganda at sigawan ka nang harap-harapan ng kapitbahay. Puwede ring mag-iwan ng voice recorder sa ilalim ng mesa habang sinisiraan ka niya sa ibang kapitbahay. Sa ganitong paraan at least, ang ma-irecord ang lahat nang pangyayari ang magbibigay sa iyo ng patunay na kakailanganin kung sakaling ma-ireport ang insidente sa mga awtoridad.

Call the authority. Tawagan ang mga awtoridad kung dama mo na parang namemeligro ang iyong pamilya. Kaligtasan mo at ng iyong pamilya sa sitwasyon ang gusto mong mangyari kaya pulisya na ang iyong timbrehan. Hindi ka na mag-aaksaya nang oras para ‘di mabatid ng pulisya ang lahat. Subalit kung maliliit lang naman ang problema at hindi makasasakit ang sitwasyon ay huwag nang itimbre sa awtoridad, mag-usap na lamang ng maayos.

O ikaw? May neighbor’s quarrel ba kayo? Baka nararanasan mo na ang pananakot sa iyong kapitbahay at tiyak kong makatutulong sa iyo ang tips na ito.
Basahin din: Tips Para Di Manakawan Kapag Turista Ka Sa Abroad
Source: Bulgar credits to Nympha Miano Ang


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...