Skip to main content

Mga Natural Na Lunas Sa Pre-Menstrual Syndrome (PMS)



Ating isinulat sa nakalipas na araw ang tungkol sa Pre-Menstrual Syndrome. Napag-usapan natin ang tungkol dito, sintomas at lunas pati. Ngayon nama’y mababasa ninyo mga katotong kababaihan ang tungkol sa natural na paraan para lunasan ang pre-menstrual syndrome.
Muli ang pre-menstrual syndrome ay mga kakaibang sintomas na nararamdam ng isang babae bago siya reglahin. Ang ilan dito ay may kinalaman sa pisikal, emosyunal, pati sa pag-uugali o behavioral na aspeto ng isang babae.

Aspetong Pisikal: Ang babae ay maaaring makaranas ng paglaki sa kanyang dibdib, pamamaga, sakit ng ulo, pananakit ng balakang, fluid retention, pagdagdag sa timbang, hirap sa pagdumi, diarrhea, panlalagkit ng buhok at ng balat,pagkahapo atbp.

Aspetong Emosyunal: Ang babae ay maaaring maging irritable,pagkalito,pagkabalisa,hirap sa pagtulog,depresyon at pag-iisip ng pagpapakamatay (para sa severe  PMS)

At sa Pag-uugali: Nagiging maasiwain ang isang babae. Hirap din ang isang babae na makapag-concentrate sa kanyang Gawain at kung minsan ay nagiging bayolente.

Iyan ang ilan sa higit isang daang sintomas ng PMS. Ngunit bilang babae, huwag kang mag-alala dahil bukod sa mga gamot na maaaring i-reseta sa’yo ng iyong OB-GYN ay mayroon ding mga pagkaing iyong puwedeng kainin para sa natural na lunas sa pre-menstrual syndrome(PMS)

Maaari kang kumain ng sariwang prutas na mansanas isang lingo bago ka reglahin. Ito’y upang maiisawan ang pamamaga.

Maigi din sa PMS ang pagkain ng sariwang kintsay para maiwasan ang pagtaas ng presyon (hypertension), at maigi rin ito sa bato.

Sa buong araw ng iyong pagreregla ay uminom ng barley water, ito ay mayaman sa Vitamin B para maibsan ang mga sintomas ng PMS.

Ang pagkain din ng Oats ay mabisa naman upang maibsan ang sintomas na may kinalaman sa aspetong emosyunal tulad ng pagka-iritable, pagkabalisa atbp.

Kailangan mo namang iwasan ang mga ito: asin, kape/soda na may caffeine, at pag-inom ng alcohol dahil ito ay nakapagpa-palala lamang mga sintomas ng PMS.

Anumang mga sintomas ang iyong nararanas ay maiging subukan mo ang mga natural na lunas na ito dahil dulot nito’y malaking tulong sa iyong kalusugan bilang isang babae na dumaranas  ng sintomas ng PMS.
Web source: natural remedies for better health dot com


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...