Skip to main content

Tips Sa Paggawa Ng Aroma Candle



Ang aroma candle ay mayroong dulot na magandang benepisyo sa iyong katawan kapag naamoy mo ang halimuyak nito. Dulot nito ay positive aura at good mood sa isang taong maka-aamoy ng bango ng aroma nito . Isa sa mga sikat na herbal aroma ay ang lavender. 
Ngayon ay tuturuan naming kayo katoto na gumawa ng therapeutic aroman candle para naman magkaroon kayo ng sideline. Opo, ang paggawa nito ay makapagbibigay sa iyo ng extrang kita. Para ito sa mga nanay at estudyante na nais magkaroon ng part time na pagkakakitaan. Heto ang tips sa paggawa ng Aroma Candle.

Sa mga materyales ay kinakailangan natin ng mga sumusunod:

500 g paraffin wax sa pellets
600 g ng gel wax
10 g wax dye
5 pulgada ng nylon wick
Lavender essential oil ang gagamitin natin para sa aroma

Sa mga kagamitan , ito naman ang ating mga kakailanganin:

Timbangan
Takure
Kalan
Wooden stick tulad ng chop stick
Wick sustainer
Maliit na palangana
Anim na plastic cup
Gunting
4 na pulgadang salamin

Ngayong handa na ang mga materyales at kagamitan. Halina’t simulan na nating gawin ang iyong aroma candle. Ito ang step by step procedure sa paggawa nito:
  1. Tunawin ang kaunting dami ng waks
  2. Ilublob ang mitsa sa tinunaw na waks. Ilagay ito sa isang  dulo ng hawakan ng mitsa. Itabi muna ito.
  3. Ilagay ang pellets sa isang maliit na palanggana
  4. Ihulog ang lavender essential oil sa pellets. Ang dami ng bilang ng lavender oil ay depende sa iyong tantsang tibay ng aroma candle na iyong gagawin. Pagkaraa’y haluin itong maigi.
  5. Ilipat ang anim na tasang plastic ( ang pellets na may aroma oil)
  6. Lagyan ng dye ang waks gamit ang isang wooden o chop stick hanggang sa maghalo na ang kulay sa pellets.
  7. Ilagay na ang kinulayang pellet sa maliit na container. I-posisyon ang mitsa hanggang sa ilalim ng lalagyan.
  8. Tunawin ang gel waks sa takure. Alisin sa apoy hanggang sa ito’y lumamig
  9. Ibuhos ang gel waks sa tuktok ng pellets. Ito ay magsisilbing tibay o proteksyon sa pellets.

O hindi ba’t napakadali lamang ng paggawa ng aroma candle. Ito ay magandang dekorasyon sa kwarto, dahil ang aroma na galing dito ay makapagbibigay ng relaxing effect sa katawan ng tao.

Bilang negosyo ang mga pinagbatayang raw materials ay maaaring magkahalaga ng 237.96 pesos at sa mga kagamitan naman ay 1,608.45.  Pwede mong ibenta ang isang aroma candle mula 288.91-261.14 pesos. Napakamura ng puhunan pero tiyak na may ekstrang kita ka naman sa patok na negosyong ito katoto.
Web Source: businessdiary 


Comments

  1. san po pwedeng makabili ng matterials pang gawa ng kandila

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...