Skip to main content

Mga Pagkaing Akala’y PangDiet Hindi Pala



Tiyak na pihikan ka na sa uri ng iyong kinakain kapag ikaw ay nagpapapayat o nagda-diet. Pero teka, baka naman iyong akala mong diet foods ay pwede pa lang nakatataba rin. Heto ang ilan sa mga ito:


Juices have calories. Maraming nasasarapan sa pagkonsumo sa paboritong fruit juice na kadalasang bahagi ng pagdi-dyeta, ngunit nakalilimutan ng ilan na ito ay mataas sa calories sa likidong fomula kung saan ang dami ng inuming nakonsumo sa buong araw ay maaaring makadagdag sa timbang ng katawan. Kaya’t mas mainam na pumili ng prutas na mas mataas ang bilang ng fiber tulad ng pinya kesa sa sugar tulad ng hinog na mangga.

Cereal bars have high level of fats. Marami sa atin itinuturing na ang pagkaing ito ay perfect example ng isang healthy meal tulad ng sa pag-aalmusal o meryenda.  Gayunman, karaniwan sa cereal bars ay punumpuno ng cane sugar at corn syrup, maging ng mataas na level ng fat. Mainam man sa kalusugan ang cereal, dapat pa ring alalahanin ang taglay nitong fat, sugar at calories na maaaring magbunsod sa pagbagsak ng blood sugar level na mas maghahanap pa ng maraming pagkain.

Dried fruit is high in calories and low in fibers. Nagtataglay ito ng maraming benepisyo lalo na sa sapat na konsumo ng prutas sa katawan. Gayunman, dahil sa konsentrasyon ng asukal, mataas ito sa calories kumpara sa ibang sariwang prutas at mas mababa sa fiber at nutrisyon.

Diet drinks can still contribute to your weight gain. Maraming tao ang umiinom ng bersyon ng sugar free drinks upang manatiling slim, gayunman, patuloy pa rin itong nagdaragdag sa timbang. Ayon sa pag-aaral ang mga taong araw-araw kumokonsumo ng diet drinks ay 70% malapit sa paglaki ng sukat ng baywang, kesa sa regular na inumin dahil sa artificial sweeteners na nagbubunsod sa gana at humahadlang sa brain cells upang maramdamang busog na.

Salads with dressing are high in fat and calories.  Ang salad ay masasabing isang healthy option. Ito ay binubuo ng gulay at iba pang sangkap na kadalasang kahalo na rin ng oily, sugary dressings na tinatayang nakapagpapataas sa parehong fats and calories. Maraming salad ang nagtataglay ng good fats na nakatutulong sa pagbawas ng timbang tulad ng avocado at olive oil. Mainam ang pag-iwas sa ilang calories sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang dressing sa salad tulad ng balsamic vinegar o huwag na lang maglagay ng dressing.

Soup can’t always be a perfect food for a diet. Sapagkat karaniwan sa mga sabaw ay punumpuno ng bilang ng fat at calories, particular na ng anumang nagtataglay ng dairy products tulad ng cream at cheese. Gayundin, maraming sabaw ang may mataas na bilang ng salt na nagdudulot ng weight gain.

Ikaw ba ay nagda-diet at paborito mo ang ilan sa mga ito? Hinay-hinay lang baka sa labis na pagkain mo ng mga ito ay hindi maging epektibo ang iyong pagdidyeta.
Source: Bulgar credits to: Ms. Myra


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...