Skip to main content

Tips Para Paghandaan Ang Colon Hydrotherapy



Tulad ng sa paglilinis ng kwarto ay hirap ka ng linisin ito kapag sobra ng dumi tipong kahit anong walis mo at dakot ay pabalik-balik pa din ang dumi at alikabok- ganun din sa katawan ng tao, kapag barado na ang colon ay kinakailangan ng linisin o mas tinatawag na colon cleansing. Maraming salik ang nakagpapadumi sa ating colon kasama na riyan ang hindi magandang lifestyle, environmental toxins at iba pang cellular debris- tiyak na makararanas ka ng epekto tulad ng sakit ng ulo, acne, constipation atbp pang issue na kung tawagin ay autointoxification. Sa paglilinis ng colon ay may isang procedure na pwede mong subukan ,ito ay kung tawagin ay colon hydrotherapy.

Karamihan sa mga doctor rekomendado ang colon hydrotherapy bilang parte ng detox protocol. Taliwas sa ibang pahayag ng ibang Western-trained physician, ang colonics ay ligtas at may hatid na benepisyo sa katawan kapag ito ay isinagawa ng isang tamang therapist- ayon ito kay Alejandro Juger M.D, sa kanyang librong Clean (HarperOne). Ayon pa sa kanya, ang detoxification program ay nangyayari kapag ang colonics ay naging benepisyal, lalo na doon sa mga may history ng constipation. Idagdag pa rito, ang colon cleansing ay mas ligtas at epektibo kumpara sa pag-inom ng mga laxative pill.

Magkagayon man, hindi naman ganoon kadali ang paghahanap ng tamang therapist para maisagawa ang colon hydrotherapy. At tandaan na kapag naisagawa ito ng hindi tama ay maaari mo itong ikamatay o kung hindi man ay maaari kang magkaroon ng cramping o renal failure. Kaya’t pinapayuhan ang ilan na nais sumubok nito na magsagawa ng sariling pag-iimbestiga sa therapist na iyong tutunguhin.

Ito ang ilang tips para paghandaan pa ang colon hydrotherapy:

Find the right therapist. Maaari kang makahanap ng isang therapist na kilala, may magandang reputayon at certified sa pagsasagawa ng ganitong procedure sa mga kilalang website tungkol sa colon cleansing. Maiging ang website na tutunguhin ay rekomendado ng iyong physician o pinagkakatiwalaang kaibigan.

Know the restrictions. Ang colon hydrotherapy ay hindi maaaring isagawa sa mga nagbubuntis, mga taong dumaranas ng diverticulitis, ulcerative colitis, Crohn’s disease, severe hemmorhoids, rectal o colon tumor, sakit sa bato o anumang sakit na may kinalaman sa puso. Pati na rin ang mga taong kagagaling lamang sa bowel surgery. Ito ay maliban na lamang kung pinayagan ka ng iyong doctor.

Be ready for some discomfort. Maaari kang makaranas ng hirap sa bowel movement isa hanggang dalawang araw habang ginagawa ang procedure pati na pagkatapos nito. Ito ay normal lamang at ang dapat mong gawin ay uminom ng maraming tubig bago at pagkatapos ng procedure.

Ikaw? May balak ka bang magpalinis ng colon? Ihanda ang sarili sa procedure na ito, makatutulong ang tips na ito sa iyong paghahanda. I-share at i-like ang aming tips para malaman din ng iyong ka-facebook o ka-twitter katoto.
Source: natural health magazine


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...