Skip to main content

Mansanas- Pang-Iwas Heart Attack (APPLE)



Gawin mong lunas sa karamdaman ang mga pagkain- ito ay nasabi ni Hippocrates, isang Greek Physician na sikat sa mundo ng medisina. Ito ang nagmungkahi sa mga siyentista na tuklasin ang mabuting dulot ng mga pagkain sa kalusugan at tignan ang mga katangian ng bawat pagkaing ating kinokonsumo sa araw-araw nating pamumuhay. Isa na sa mga ito ang mansanas (apple)

Ayon sa mga tagapagsaliksik na base sa  Florida State University ay mayroong katangian ang mansanas para sa ikabubuti ng kalusugan sa puso- ito ay ayon sa nabanggit ng Daily Mail.  Ang mansanas ay  natuklasan din noon na pampahaba ng buhay at maganda ring panlaban sa cellulite.

Ang mga tagapagsaliksik ay gumawa ng isang  eksperimento gamit ang dalawang grupo ng mga babaeng nasa menopausal stage- sila kasi ang mga taong high risk sa atake sa puso. Ang unang grupo ay sinabihang kumain ng dalawang mansanas araw-araw. Ang ikalawang grupo naman ay sinabihang kumain ng duhat o plum araw-araw.

Ang eksperimentong ito ay tumagal ng anim na buwan na may kaakibat na regular blood test. Base sa resulta, ang grupo na kumain ng dalawang mansanas araw-araw ay bumaba ang bad kolesterol ng 25 porsyento. Habang wala namang naging makabuluhang resulta ang grupong pinakain ng duhat.

Ang pagtaas ng bad kolesterol sa katawan ng tao ay nagreresulta sa blood clotting na maaaring makahadlang sa dugong dumadaloy sa puso at utak. Kaya naman ang pagbaba ng bad kolesterol ay sinasabing nakapagpapa-iwas sa banta ng atake sa puso o stroke.

Bakit ang isina-ilalim sa eksperimentong ito ay ang mga babaeng hindi na dinadatnan ng regla o menopos? Dahil sila ang kinokonsiderang high risk sa heart attack at stroke. Ang mga babaeng hindi pa menopos ay may mababang tsansa ng atake at iba pang heart disease. At ang risk ay higit na mababa sa 1/3 kumpara sa mga lalake. Magkagayon, ang risk ay malubhang tumataas pagkatapos ng pag-memenopos.
Web source: medicmagic dot net


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...