Skip to main content

Sleep Problem Tips- Dahilan Kaya Di Makatulog Sa Gabi



Marami sa atin ang hirap makatulog sa gabi. Anu-ano nga ba ang mga dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng Sleep problem? Heto ang ilan sa mga causes at pati na rin tips para sa inyo mga katoto upang solusyunan ito:
Tips On How To Avoid Sleep Problem

  1. Stress. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nagkukulang sa tulog ang isang tao, sa pisikal o emosyunal na aspeto. Gayunman, mainam na maibabalik sa tamang kondisyon ang katawan mula sa pagkontrol sa stress hormone sa pagbibigay ng sapat na attensyon sa digestion, restoration repair, immune function, enerhiya, mood at maging ng gana sa pakikipagtalik. May kinalaman din ito sa pagdagdag ng timbang, lalo't higit sa bahagi ng bewang.
  2. Chronic pain. Sa ilang kaso, ang stress ay pagreresulta sa tinatawag na chronic pain o ilang kondisyon tulad ng tinatawag na restless leg syndrome (RLS) na siyang nagbubunsod upang mahirapang magrelaks sa buong gabi. Sa iba pang sitwasyon, maaaring ang sleep apnea, seryosong disorder mula sa paghinga habang natutulog ay matindi ring banta na dapat ikonsulta sa doktor.
  3. Hindi tamang diyeta at suliranin sa pagtunaw ng pagkain. Isa rin itong dahilan ng isyu sa maayos na pagtulog sa gabi. Ang diet na may kaunting nutrisyon at maraming fat at sugar sa katawan ay hindi lamang nagbubunsod sa dagdag na sukat ng bewang, maging na rin sa pagpo-produce ng katawan ng serotonin at melatonin na kapwa kritikal para sa maayos na tulog at maging sa kondisyon ng utak at kalusugan ng buong katawan. Kapag mabagal ang digestion ng isang tao, isa rin itong dahilan ng kahirapan sa maayos na pahinga.
  4. Labis na konsumo ng ilang stimulants. Ilan sa nagdudulot ng matinding banta ay ang caffeinated coffee, alcoholic drink, soda na kapag kinonsumo sa oras na malapit nang matulog ay maaaring kumontra sa sleep pattern ng isang tao, maging ng kanyang abilidad na magkaroon ng masarap na pahinga. Mainam ang caffeine at soda sa araw sa paglaban sa banta ng fatigue at higit na maging alert. Ngunit hindi sa gabi. source: Bulgar-No Problem-ni Ms. Myra

Bookmark and Share



Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...