Skip to main content

Mga Hindi Dapat Paniwalaan Ng Nagdi-dyeta



Ito ang mga kathang-isip na inaakala mong makatutulong sa iyong pagda-diet pero sa katotohan pala’y lalo lang magpapahirap sa pagbabawas mo ng timbang. Ang mga kathang-isip na ito ay nagbubunsod lamang sa hindi matagumpay na pagpapapayat o pagdi-dyeta. Para maging maalam ka- ito ang ilan sa mga ito ayon sa Eating Well:

Kung healthy naman ang pagkain, hindi na mahalaga ang calorie content. Mali po to, Hindi porke’t masusustansya ang mga pagkain na iyong kinakain ay isasawalang-bahala mo ang calorie content nito. Halimbawa ng mga pagkaing ito ay whole wheat bread, avocado, beans, at pulang kanin- na kapag kumain ng sobra ay makakasama rin sa iyong pag-didyeta. Kaya naman ang payo ay hinay-hinay rin sa pagkain ng mga ito.

Ang pagbaba ng timbang 4.5 kilograms sa isang linggo o higit pa ay masama sa kalusugan. Kadalasan itong nangyayari sa mga gumagamit ng extreme diet. Pero ito ay hindi mabuti sa pagdi-diyeta. Para makabawas ka ng 0.5 kilograms ng iyong timbang ay kinakailangan mong magsunog ng 3,500 calories sa pamamagitan ng regular na pag-eehersisyo at tamang dyeta.

Hindi porke’t nag-eexercise ay pwede nang kumain ng labis. Gayundin naman na kapag ikaw ay nagbabawas na ng pagkain ay hindi mo na kailangang ng exercise. Sa tamang pagdidiyeta, ang mga ito ay palaging dapat na magkasama para sa ito’y maging epektibo lalo na’t ikaw ay nag-si-slimming diet. Hindi nirerekomenda na kapag ikaw ay naglo-low calorie diet ay hindi ka mag-e-ehersisyo. Ang pagdi-diyeta naman kasi ay hindi lang upang maging fit ka at magkaroon ng magandang pigura kundi ito ay dapat na magresulta sa isang malusog na katawan malayo sa banta ng kung anu-anong karamdaman.

Ang pagkain ng salad ay maganda dahil ito ay may sariwang gulay na mabuti sa pagdi-dyeta ngunit ito ay maaaring makadagdag din sa fat deposit mo kung labis ang paglalagay mo ng salad dressings at pati tulad ng cheese, pecans atbp.

Ikaw ba ay sumubok na ng pagdi-diyeta o pagbabawas ng timbang at pansin mong hindi epektibo ang mga ito sa iyo? Paka-isipin ang mga nabanggit dahil baka ilan sa mga kathang-isip na ito tungkol sa pagdi-diyeta ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hirap ka sa iyong pagpapapayat.
Source: medicmagic


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...