Skip to main content

Mga Pagkaing Bawal Sa Nagpapapayat? (Diet Tips)



Dahil sa paborito ninyong tips ang mga tungkol sa pagpapapayat o mga diet tips, heto ang ilan pa sa mga pagkaing bawal sa mga nagdi-diyetang tulad mo. Ito ang ilan pa sa mga pagkaing akala natin ay nakatutulong sa ating pagda-diet iyun pala’y kung mali o labis ang pagkain mo ng mga ito ay magiging sagabal ito sa iyong goal na pumayat.

Tulad ng popcorn, ang air-popped popcorn ay sagana sa nutrisyon, mataas din ito sa fiber at sadyang diet-friendly snack ito. Ngunit maaaring mawala ang healthy credentials nito kung mahahaluan ito ng mantikilya. Ang ilang pop corn na nabibili sa sinehan ay may mataas na fats at calories mula sa asukal at butter.

Ang masarap na granola bar na nabibili natin sa supermarket ay malusog para sa katawan ng isang tao. 
Gayunman, isang eksperto ang nagsabing hindi ito magandang diet food. Ang granola ay mayaman sa nutrisyon at punum-puno ng fiber. Mas mainam kung kaunting bahagi lang ng granola ang kakainin ay piliin iyung sugar free.

Ipinagpapalagay naman ng marami na ang dips ay maituturing na isang healthy snack. Gayunman ito ay punumpuno ng calories at fats mula sa mga sangkap na mamantika. Mainam kung pipiliin ay ang homemade tomato salsa na punumpuno ng sangkap na fat-free.

Maraming tao ang nagpapalagay na ang vegetable crisp tulad ng patatas ay malusog na alternatibo para sa diet. Gayunman, habang ang ilang gulay ay nagtataglay ng fiber at bitamina. Hindi ito nakukuha sa lahat ng panahon kung saan isa sa halimbawa ng gulay na mataas sa fat at calories ay ang patatas.

Isa ka ba sa aming mga katoto na nagpapapayat sa ngayon ngunit paborito mo ang ilan sa mga nabanggit? Hinay hinay lamang po sa pagkain ng mga ito baka imbes na pumayat ka ay lalo ka pang lumobo kapag labis at mali ang iyong pagkain ng mga ito.
Source: Bulgar credits to: No Problem Ms. Myra


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...