Skip to main content

Hemiplegia- Tips Upang Lunasan Ito



Ang Hemiplegia ay tumutukoy sa pagkaparalisa ng kalahating bahagi ng katawan, kanan man o kaliwa at ito ay dahil sa damage sa isang bahagi ng utak na siyang kumokontrol sa ating motor nervous system. Ang pinakakaraniwang sanhi ng hemiplegia ay ang sakit na stroke na mas kilala bilang Cerebrovascular Accident sa terminong medical at ito ay dulot ng bara sa isa sa mga arterya na nagsu-supply ng dugo sa ating utak. Ang kanang bahagi ng utak ay kumokontrol sa kaliwang bahagi ng katawan at ang kaliwang bahagi naman ng  utak ay kumokontrol sa kanang bahagi ng katawan.
Tips on How to Cure Hemiplegia
Ang alta-presyon ang isa sa naglalagay sa panganib tungo sa pagkakaroon ng stroke. Sa alta-presyon po kasi, masyadong mataas ang presyon ng pagdaloy ng dugo sa loob ng ugat at dahil sa pressure na ito habang dumadaloy ang dugo, ang pinaka-lining o dingding ng ugat ay nagagasgas. Kapag nagasgas at nagkaroon ng injury sa loob ng ugat, ang mga platelet ay agad tumutungo sa lugar ng injury. Ang mga platelet namang ito naglalabas ng mga kemikal na siyang nag-iimbita sa mga collagen na tumungo rin sa nasabing lugar na may gasgas at sila ay darami sa isang partikular na lugar hanggang sa katagalan ay magbara ang ugat at ang kalalabasan ay "stroke".

Sa mga taong na-stroke, malaki ang maitutulong ng mga gamot na klasipikadong anti-clothing tulad ng dipyridamole, heparin at aspirin subalit, ang mga gamot na ito ay wala ng kakayahang alisin pa ang bara ng ugat. Ibinibigay lamang ito sa pasyente para maiwasan ang muling pagbabara ng ugat. Mabisa rin sa mga biktima ng stroke ang Vitamins C at E. Mahalaga rin na maibalik natin kahit paano ang kakayahang kumilos ng biktima ng stroke kaya kailangang makipagtulungan sila sa isang physical therapist para sa ilang ehersisyo.

Para makaiwas sa stroke ang isang tao, maipapayong iwasan o itigil na ang paninigarilyo, pagkain ng matataba o makoleterol na pagkain, mataas na level ng LDL (low density liporotein) o bad cholesterol sa dugo, kawalan ng ehersisyo. At kung may alta-presyon na, mahalaga rin na makontrol ito sa pamamagitan ng  regular na pag-inom ng anti-hypertensive drugs at regular na pagbisita sa inyong doktor.
source: Bulgar-Sabi ni Doc ni Shane M. Ludovice M.D




Ibahagi ang kaalam tungkol sa hemiplegia. Gamitin ang share button sa ibaba.


Bookmark and Share



Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...