Skip to main content

4 Na Tsaa Para Sa Kalusugan (TEA FOR HEALTH)


Mabisa sa pagpapagaan ng pakiramdam ang tsaa o tea. Nakapagpapababa ng stress level ito. Bukod pa riyan, marami pang health benefits ang makukuha sa pag-inom ng tsaa.
Ilang libong taon na rin ang nakalilipas, ang tsaa pa rin ay itinuturing na isang masustansyang inumin. Ano nga bang tsaa ang dapat na inumin para sa kalusugan ng ating katawan? Ito ang apat na tsaa para sa kalusugan na dapat ikonsumo sa araw-araw.

Darjeeling Tea. Ito ang world’s finest tea ayon sa ulat ni Oprah. Ang tsaa na ito ay makikita sa kabundukan ng Darjeeling India.

Benepisyo: Mahigit 15 hanggang 20 porsyento ng populasyon ang tinamaan na ng bacterium na kung tawagin ay  H. pylori. Ang bacteria na ito ay nagdudulot ng chronic stomach disease, at kanser sa tiyan. Ngunit ayon sa pag-aaral ang tsaa na ito ay mabisa upang labanan ang pagdami ng ganitong klase ng bakterya.

Oolong Tea. Semi-fermented ang pagpoproseso sa dahon ng Oolong. Ang mga dahon ng chinese tea na ito ay maiging dinudurog upang maglabas ng antioxidant.

Benepisyo: Ang pag-inom nito araw-araw ay makatutulong upang makaiwas sa hypertension. Mayaman ito sa antioxidant at nagko-kontrol sa enzymes at pagtaas ng blood pressure.

Black Tea. Fully fermented ang tsaa na ito. Ito ay upang lumabas ang lasa, kulay at aroma nito. Kapag ito ay naluto ang kulay nito ay pula.

Benepisyo: Ang theaflavins na makikita sa tsaa na ito ay isang antioxidant compound na nagpoprotekta sa utak laban sa mapanganib na sakit. Ayon sa mga German researchers, nakatutulong ito upang gamutin ang sakit na Alzheimer at Parkinson’s Disease.

Yerba Mate Tea. Lasang damo ang tsaa na ito mula sa South America. Para hindi masyadong mapait ang lasa ay hinahalo ito sa maligamgam na tubig imbes na sa kumukulong tubig.

Benepisyo:  Tulong ito upang labanan ang mga cancer cells. Wala ring masamang epekto ang pag-inom nito kung ikaw ay may madalas na problema sa iyong panunaw.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...