Skip to main content

Tulong Sa Kalusugan Ng CHERRY JUICE



Maliit man ang prutas na cherry ay marami naman itong tulong sa ating kalusugan. Isa na rito ang pagpapahimbing sa tulog tuwing gabi upang magampanan natin ng husto ang mga aktibidad natin sa umaga.
Tinukoy ng mga scientist sa School of Biological Sciences sa Unibersidad ng Northumbria na ang cherry juice ay nakapagpapabuti ng kalidad nang ating tulog. Sabi pa ng mga tagapagsaliksik, ang prutas na cherry ay may mataas na concentration ng melatonin, isang hormone na nakapagpapa-regulate ng tulog. Kung mahimbing ang tulog sa gabi ay mas mainam mong magagawa ang iyong trabaho sa umaga, ikaw ay masiglang makakakilos sa buong araw.

Para patunayan ito, naghanap ang mga researcher ng 20 boluntaryo. Sa isang linggo, ang mga ito ay kumonsumo ng 30 milli liters ng cherry juice at iba pang juice araw-araw.

Para sa evaluation ng melatonin, kumolekta ang mga eksperto ng urine sample bago at pagkatapos ng experiment. Bukod pa riyan, pinasuot din ng wristwatch sensor ang mga boluntaryo na siyang tutukoy sa cycle ng kanilang pagtulog at oras ng paggising.

Ang resulta ay nagpakita na ang mga boluntaryong uminom ng cherry juice ay nagkaroon ng 15-16 porsyento ng pagtaas ng melatonin na nakita sa kanilang ihi. Mas mahaba rin ng 25 minutos ang kanilang tulog at ang kalidad ng kanilang tulog ay tumaas ng 5-6 porsyento.

Sabi rin ng mga boluntaryo na uminom ng cherry juice ay hindi sila nakaranas antukin sa umaga. Bukod pa sa mahimbing na pagtulog ay natuklasan din ng mga eksperto na ang cherry ay gamot din sa muscle pain.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...