Skip to main content

Mga Healthy Food Para Mawala Ang Wrinkles


Malaking benepisyo ang hatid ng mga healthy food na ito para labanan ang aging process. Kasama na riyan ang pagdami ng kulubot sa iyong mukha o wrinkles kung tawagin. Para mas mag-mukhang masigla at bata ang iyong pakiramdam ay subukan mong dagdagan ang servings ng mga pagkain na ito sa iyong daily diet kada linggo.

Ang pagkain ng spinach at beans. Ayon sa pagsasaliksik, ang mga taong palakain ng mga madadahon at mabeberdeng gulay ay mas kaunti ang wrinkles kaysa sa hindi. Ang mga pagkaing gaya ng mga nabanggit ay may mga compound na tumutulong i-repair ang mga na-damage na skin cells at pati i-preserve ang iyong balat upang ito’y maging bata.

Ang pagkain ng sunflower seeds. Ito ay mayaman sa vitamin E na isang importanteng nutrisyon para magmukhang bata.

Ang pagkain ng sweet potato. Agad tayong tumatanda kahit hindi pa man dapat kapag tayo ay masyadong expose sa sikat ng araw. Ang pagkain na ito ay tumutulong na maiwasan ito at lumalaban pati sa pagkasira ng ating balat. Mayaman din ito sa beta-carotene na tumutulong i-build up ang ating skin pigment para maiwasan ang pagkasira ngbalat dulot ng ultraviolet rays.

Ang pag-inom ng grape juice. Ito ay nakatutulong upang maiwasan ang atake sa puso at stroke. Maiiwasan ang paglulundoy ng balat sa pag-inom nito, lalo na iyung mga nasa middle age na. Puno kasi ito ng anti-oxidant polyphenolsna tumutulong upang maging flexible at elastic ang ating balat.

Bukod sa mga pagkain na ito, malaking tulong din ang Vitamin C para maiwasan ang pagdami ng wrinkles at iba pang senyales ng pagtanda. Kaya maigi rin ang pagkain ng orange at lemons dahil mayroon ang mga ito ng vitamin c na kung tawagin ay L-ascorbic acid na mabuti sa kalusugan ng ating balat.
Source: tips4me.com

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...