Skip to main content

Mga Paraan Para Makaiwas Sa Constipation


Ang hirap sa pagdumi o constipation ay isang sakit na kahit na sinong taong makaranas nito ay gagawin ang lahat para ito ay masolusyonan. Ito ay hindi karaniwang pagbabago sa bowel pattern na iba’t iba ang atake sa tao. May mga taong nakararanas ng bowel movement tatlong beses isang linggo.


May mga ilang sanhi ng constipation gaya ng kakulangan sa fiber, kulang sa pag-inom ng tubig, hindi pag-eehersisyo at pati pag-inom ng mga gamot.

Kung may mga sanhi ay may mga madaling paraan naman para makaiwas sa constipation gaya ng mga sumusunod:

Kumain ng mga pagkain na mayaman sa fiber gaya ng mani, seeds, whole grains at sariwang prutas at gulay.

Pwede ka ring sumubok ng mga laxative na pwedeng inumin ng walang preskripsyon gaya ng psyllium, methylcellulose at pectin.

Uminom ng walong basong tubig sa isang araw.

Ugaliin ang pag-eehersisyo ng 20- 30 minutos kada araw. Nakatutulong ito sa ating digestive system.

Mag-set ng oras para sa iyong pagdumi at sanayin sa ganoong oras ang iyong digestive system. Maaaring gawin ito sa umaga o pagkatapos mong kumain. Pwede kang maupo sa toilet ng 10 minutos pero tiyaking huwag mong pupwersahin ang sarili na makadumi.

Huwag mong pigilan ang sarili mo kung nadudumi ka na.

Huwag mo ring pwersahn ang bowel movement dahil magdudulot lang ito ng almoranas at blood pressure problem.
Source: medicmagic.net 

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...