Skip to main content

Mga Pagkain Na Lunas Sa HEADACHE


Sa mundo ng medisina ang sakit ng ulo o headache ay kilala sa tawag na Cephalalgia. Ito ay kondisyon ng sakit ng ulo sa parteng batok o itaas na bahagi sa likod ng ulo. Kapag may sakit ng ulo, madalas iniinuman kaagad natin ito ng gamot at matutulog. Pero alam ninyo bang may mga pagkain na pwedeng lunas sa sakit ng ulo:

Kumain ng mga pagkain na maraming tubig at mineral gaya ng pakwan. Ang mga pagkaing gaya nito na mayaman sa nutrisyon at liquid ay makatutulong sa pagpapahupa ng sakit ng ulo.

Kung ikaw ay nasa low-carb diet, mag-ingat din sapagkat ang kaunting dami ng carbohydrate na iyong kinokonsumo ay pwedeng maging dahilan ng headache. Kapag nasa ganitong dyeta kasi ay nababawasan ang glycogen na siyang energy source ng ating utak. Kung bababa ito ay magdudulot ito ng sakit sa ating ulo. 

Kaya’t kailangan mo rin ng carbohydrate, pwede mo itong makuha sa whole wheat bread o brown rice na mayaman din sa fiber.

Lunas din sa sakit ng ulo ang pagkain ng almond sapagkat mayroon itong magnesium na nakapagpapatibay sa blood vessel, pinagagaan nito ng maigi ang circulation ng dugo. Ang mga taong nakararanas ng migraine ay rekomendadong kumain ng mga pagkain na mayaman sa magnesium gaya ng saging,avocado, almond at brown rice.

Kung may headache ka, maaaring sanhi iyan ng kakulangan sa calcium. Ang ating utak ay nakadepende sa calcium para ito ay maiging makagawa ng tungkulin sa ating sistema. Para mapunan mo ang kakulangan sa calcium ay pwede kang kumain ng yogurt o uminom ng gatas.
Source: medicmagic.net 

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...